^

PM Sports

Ginebra vs Magnolia ngayon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaagad magtutuos ang nagdedepensang Barangay Ginebra at Mag­no­lia sa ‘Manila Clasico’ sa quarterfinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng No. 4 Gin Kings ang No. 5 Hotshots ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang bakbakan ng No. 3 Blackwater Elite at No. 6 Rain or Shine Elasto Painters sa Game One ng kani-kanilang best-of-three quarterfinals series sa MOA Arena sa Pasay City.

“We gonna have to come out, and if we wanna win, we just need to come out and perform at the top of our game,” sabi ni one-time PBA Best Im­port Justin Brownlee sa pagsagupa ng Ginebra sa Magnolia.

Sumasakay ang Gin Kings sa tatlong dikit na panalo, habang na­sa apat na sunod na ka­malasan ang Hotshots na mu­ling i­babandera si da­ting NBA player Rakeem Christmas.

Nagmula ang Ginebra sa 127-123 overtime win laban sa sibak nang Columbian kung saan hu­mataw si Brownlee ng 50 points, 14 rebounds at 5 assists at nagsalpak ng game-clinching bucket.

Nakalasap naman ang Magnolia ng 83-98 ka­biguan sa No. 1 TNT Katropa sa debut game ni Christmas, pumalit kay James Farr.

“It doesn’t take a lot of motivation to get rea­dy for a Manila Cla­si­co. And obviously, it’s the playoffs so it’s times two,” wika ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa pag­bangga ng kanyang Gin Kings sa Hotshots ni mentor Chito Victolero.

Nauna nang pinatum­ba ng Ginebra ang Mag­no­lia, 102-81, sa una ni­­lang pagtutuos sa elimination round.

Samantala, mag-uunahan din ang Blackwater at Rain or Shine sa pag-angkin sa 1-0 bentahe sa ka­­nilang sariling serye.

Muling kinuha ng Elite si reinforcement Greg Smith, una nilang ti­napik no­­­ong 2017, para pa­litan ang may knee in­ju­ry na si Stephon Blair sa pagsa­gupa sa Elasto Painters.

Habang sinusulat ito ay ka­salu­ku­­yang nag­la­laban ang Alaska at Me­ralco sa playoff para sa hu­ling quarterfinal slot.

 

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with