^

PM Sports

Walang mahanap na trade para kay Chris Paul

Pang-masa

OKLAHOMA CITY -- Wala pa ring nangyayari ukol sa paghahanap ng trade ng Thunder para kay nine-time All-Star guard Chris Paul.

Kasalukuyan pa ring nakikipag-usap ang Oklahoma City kay Paul at sa kanyang mga representatives para maplantsa ang isang trade.

Nakuha ng Thunder ang 34-anyos na si Paul mula sa Houston Rockets kapalit ni star guard Russell Westbrook, muling makakatambal si James Harden ma­tapos ang kanilang panahon sa Oklahoma City, ka­sama ang dalawang future first-round picks at da-lawang pick swaps.

Posible pang magkaroon ng trade scenarios para kay Paul sa Disyembre 15 kung saan ang mga pla­yers na pumirma sa mga offseason free-agent deals ay maaari pang maisama sa trade packages.

Mayroon pang tatlong taong kontrata si Paul na nag­kakahalaga ng $124 milyon na maaaring iniiwasan ng ibang koponan.

Maaari ding maglaro si Paul para sa Thunder sa da­rating na season katuwang sina Paul, Danilo Gallinari, Steven Adams, Dennis Schroder at Shai Gilgeous-Alexander.

Si Paul ang puwedeng magsilbing mentor kay Gil­geous-Alexander, isang second-year guard na iki­nukunsidera ng Oklahoma City bilang kanilang ‘future playmaker’.

 

vuukle comment

CHRIS PAUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with