Guinness record sisirain ng Go for Gold
MANILA, Philippines — Patutunayan ng Go For Gold Philippines na kaya ng mga Pinoy na basagin ang Guinness World Record para sa pinakamaraming bilang ng mga taong nagdidribol nang sabay-sabay.
Inihayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go na halos 10,000 dribblers ang inimbitahan nila para sirain ang nasabing record sa alas-4 ng hapon sa Linggo sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.
“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ wika ni Go.
Ang mga partisipante ay maaaring magpatala sa www.goforgoldworldrecordattempt.com o dumiretso sa venue para makakuha ng libreng jersey mula sa Go for Gold.
Ang pagpaparehistro ay magsisimula sa alas-2 ng hapon.
Ang record na 7,556 dribblers ay naitala noong Hulyo 22, 2010 sa event na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine.
- Latest