^

PM Sports

Mighty Sports giniba ang Korea

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagpag ng Mighty Sports ang South Korea, 89-82, para mapanati­li ang malinis na kartada at masikwat ang solong liderato sa 41st Jones Cup kagabi sa Changhua County Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Matapos magtayo ng 51-38 abante sa halftime ay nanlamig ang Mighty Sports na sina­man­tala ng SoKor para sa 66-60 abante.

Subalit hindi nagpatinag ang mga bataan ni coach Charles Tiu nang unti-untiin nila ang SoKor hanggang sa magpakawala ng 11-3 birada upang gawing 83-76 abante ang 72-73 pagkaka­iwan sa dulo ng final canto.

Sapat na ang nasabing abante para maibulsa ang mahirap na panalo kontra sa mga tagumpay sa Iran, Jordan, Japan at Canada.

Dahil dito ay umangat sa 5-0 ang Mighty Sports upang masolo ang liderato ng nasabing eight-team Asian invitational crown.

Lumapit din ng dalawang panalo ang Mighty Sports para sa kumpletong pagwalis sa Jones Cup kagaya ng ginawang clean sweep ng kopo­nan noong 2016.

Bumida para sa Go For Gold-backed squad si Renaldo Balkman na kumana ng 19 points, 8 rebounds at 2 blocks.

vuukle comment

JONES CUP

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with