^

PM Sports

Clarkson lalaro uli sa Gilas Pilipinas?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Clarkson lalaro uli sa Gilas Pilipinas?
Jordan Clarkson

MANILA, Philippines — Idinagdag ng Gilas Pi­lipinas sa pinal at pina-laking training pool ang NBA star mula Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson para sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup ngayong Agosto sa China.

Dahil dito ay lumapad na sa 19-man pool ang Nationals ni head coach Yeng Guiao lagpas isang buwan pa bago ang world basketball championships ayon sa inilabas na final training pool ng Sama-hang Basketbol ng Pilipinas kagabi.

Sinamahan ng Filipino-American na si Clarkson ang iba pang bagong miyembro na sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger na back-up na­­­t­u­ralized players dahil hin­di pa rin nakukunsidera bilang local players.

Nasa listahan din ang mga dati nang Gilas pool members na sina na­tura­lized player Andray Blatche, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Troy Ro­sario, RR Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, June Mar Fajardo, Japeth Agui­lar, Raymond Almazan at JP Erram.

Kasali rin sina Matthew Wright, Beau Belga at Kiefer Ravena gayundin ang dalawang PBA rookies na sina Robert Bo­lick at CJ Perez.

Sugal ang ginawa ng Gilas na idagdag sa pool si Clarkson sa kabila ng wala pang katiyakan kung mapapayagan siya ng In­ternational Basketball Fe­deration (FIBA) bilang lo­kal na manlalaro.

“Nilagay na namin do­on sa pool si Jordan,” ani Guiao. “We’re still hoping that a miracle happens.”

Magugunitang sa mga nakalipas na taon ay pus­pu­san ang hakbang ng SBP upang makunsidera ng FIBA bilang local pla­yer si Clarkson subalit hin­di pa rin naa­aprubahan kaya’t maitutu­ring pa rin na naturalized player sa nga­yon.

Ang naturalized pla­yer spot ng Gilas ay na­ka­laan na kay Blatche kaya’t  hihiling ang SBP at ang national team na mabasbasan na sa wakas ng FIBA si Clarkson, lag­pas isang buwan pa bago ang world basketball meet sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Fo­shan, China.

Makakalaban ng Gilas sa prestihiyosong quad­rennial basketball joust ang world No.2 Serbia, No. 13 Italy at No. 39 na Angola sa Group D.

Sa naturang 19-man pool na ito ni Guiao mang­ga­galing ang final roster ng Gilas na tutungo sa Spain mula Agosto 4 hanggang 11 para sa isang pocket tour­nament na bahagi ng final build up ng koponan sa World Cup.

Sa Spain ay makakalaban nila ang home team na world No.2 ngayon ka­sama ang Congo at Cote D’Ivoire.

Pagbalik ng bansa mu­la sa Spain ay inaasahang tapos na ang Finals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup na magbi­bigay sa Na­tio­nals ng pag­ka­ka­taon na makapagsa­nay ng araw-araw bago mu­ling su­malang sa scrim­mage kontra sa Aussie club na Adelaide 36ers sa Agosto 23 at 25.

vuukle comment

FIBA

JORDAN CLARKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with