Pacquiao buo na ang game plan kay Thurman
MANILA, Philippines — Asahan ang mas mautak at mas madiskarteng Manny Pacquiao na sasagupa kay Keith Thurman sa kanilang unification bout sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Base sa obserbasyon ni strength and conditioning coach Justin Fortune, ibang Pacquiao ang masisilayan ng buong mundo.
“His skill has tremendously improved and he’s a lot wiser,” ani Fortune.
Tutulak ngayon ang Team Pacquiao patungong Las Vegas para doon ipagpatuloy ang huling bahagi ng training camp ng reigning World Boxing Association regular welterweight titlist.
Tuloy ang magagaan na ensayo ni Pacquiao.
Sasailalim siya sa road work at gym activities para mapanatili ang perpekto niyang kondisyon.
“Yeah, Manny will still do a bit of roadwork and some gym activities to loosen up and remain focus. If needed, we’ll do light workout for muscle memory,” ani Fortune.
Ipinagmalaki naman ni chief trainer Buboy Fernandez na plantsado na ang game plan ni Pacquiao para sa laban.
Wala itong ibinigay na detalye.
Masisilayan ito ng buong mundo sa mismong laban.
“We’ve been practicing that for week, pero hindi niya ma-perfect, but today, it came out na. Panalo na tayo,” ani Fernandez.
Ilang ensayo na lamang ang kailangan para mas lalo pa siyang mas maging mabagsik at mapanganib.
“Only the polishing and refining our tactics and game plan ang pagtutuunan natin para makasiguro tayo na walang papaltos sa plano natin,” dagdag ni Fernandez.
Bago umalis ng Wild Card Gym ay sasailalim muna si Pacquiao sa apat na rounds ng sparring.
Madalas itong gawin ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban dahil ayaw nitong masayang ang panahon upang masiguro ang lubos na kahandaan bago humarap kay Thurman.
“Monday is nothing, a mere tradition that Manny does before motoring to Vegas every time he fights there. Everything that happened in the camp was it,” dagdag pa ni Fortune.
- Latest