^

PM Sports

Ex-Aces kampeon sa UNTV-PBA Legends Faceoff

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitakas ng Alaska ang pambihirang 77-75 panalo kontra sa karibal na San Miguel upang sungkitin ang kampeonato ng kauna-unahang UNTV Cup – PBA Legends Faceoff kamakalawa ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumida para sa Milkmen si Johnny Abarrientos na nagbuslo ng game-winning layup sa huling 12 segundo upang magtapos sa 12 puntos at mabitbit sa titulo ang koponan sa torneong inorganisa ng PBA Legends Foundation at UNTV para sa misyong matulungan ng mga maysakit at retiradong pro-cagers.

Sumuporta naman sa kanya si Willie Miller na may 34 puntos para sa Alaska na napigilan ang pagwalis sana ng Beermen sa PBA Legends Faceoff at naiganti rin ang kanilang 71-86 na kabiguan noong elimination round.

Ito ang unang pagkatalo ng SMB sa buong torneo matapos walisin ang elimination round at talunin ang Purefoods sa semifinals, 76-70.

Naiwan pa sa 62-70 deficit ang Milkmen papasok sa huling kanto bago nga sila magpakawala ng mainit na 13-2 birada upang maagaw ang lamang, 75-72, sa tulong din ng tig-walong puntos na ambag nina Jeffrey Cariaso at Eddie Laure.

Subalit hindi agad tumiklop ang Beermen sa likod ni Allan Caidic na kumonekta ng panablang tres sa huling 46 segundo, 75-all, na siyang nagbigay-daan sa game winner ni Abarrientos.

Nagtala si Chris Calaguio ng 23 puntos habang may 16 puntos naman si Caidic para sa SMB na lubusang ininda ang hindi paglalaro nina Danny Ildefonso at Danny Seigle.

Samantala sa battle for third, nasikwat sa wakas ng Purefoods ang una nitong panalo matapos ibaon ang Ginebra, 98-75 at masiguro ang bronze medal.

Umiskor ng 20 puntos si Roger Yap habang may 16-point, 13-rebound double-double na outing si Alvin Patrimonio para sa Hotdogs.

vuukle comment

UNTV CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with