^

PM Sports

Maayos ang meeting ng POC Exec. Board

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Phi-lippine Olympic Committee Executive Board ang resolusyon sa pag-likha ng komite para sa nakatakdang halalan sa special meeting na ginanap kahapon sa POC office sa Philsports Complex sa Pasig City.

Bukod dito ay inap-rubahan din ang pagpapatawag ng POC Extraordinary General Assembly sa darating na Hulyo 18 na gaganapin sa Manila Golf Club sa Makati City.

Ang mga nasabing resolusyon ay pagtitibayin sa naturang EGA at itinakda rin ang ikalawang Extraordinary GA sa Hulyo 28 kung saan gagawin na rin ang panibagong eleksyon para sa mga nakabanteng posisyon kagaya ng presidente, chairman at dalawang slots sa executive board.

Kasama na rin sa pag-uusapan sa EGA sa Hulyo 18 ang komposisyon ng commission on election at ang mga gustong tumakbo para sa mga bakanteng posisyon.

Ito na ang ikatlong halalan sa POC sa loob ng isang 4-year Olympic cycle.

Nauna na ring sinabi nina International Olympic Committee (IOC) Director for Olympic Solidarity at National Olympic Committee Relations James Macleod at Olympic Council of Asia (OCA) Director General Hussain Al-Mussalam na dadalo sila bilang observer sa EGA at sa election sa Hulyo 28.

Nangyari ang natu-rang special board meeting, EGA at election alinsunod sa payo nina Macleod at Al-Mussalam na maigting na sumusubaybay sa sitwasyon sa POC.

Ang 42 regular National Sports Association (NSA) members lamang ng POC ang puwedeng dumalo sa EGA at 45 din ang may voting power kabilang na ang dalawa sa athletes commission at si IOC representative to the Philippines Mikee Cojuangco.

Bukod kay cycling federation president at dating chairman Abraham “Bambol” Tolentino, ang iba pang nagpahayag na tatakbo sa pagkapa-ngulo ay si dating PSC chairman at presidente ng PATAFA ngayon na si Ella Philip Juico. 

Sa posisyon ng chairman ay sina taekwondo head Robert Aventajado at dating POC secretary-general Steve Hontiveros.

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with