^

PM Sports

Leonard, George lilipat sa Clippers

Pang-masa
Leonard, George lilipat sa Clippers
Paulgeorge at Kawhi Leonard

Howard dinala ng Wizards sa Grizzlies

LOS ANGELES -- Nag­­pahayag ng kanyang kondisyon si Kawhi Leo­nard sa Clippers.

At kaagad itong sinu­nod ng kopo­nan.

Pumayag si Leonard na maglaro para sa Clippers kasabay ng paglipat ni Paul George mula sa Oklahoma City Thunder.

Nauna nang sinabi ni Leonard, iginiya ang To­­ronto Raptors para sa kauna-unahan nitong NBA championship, na li­­­lipat lamang siya sa Clippers kung makakasama niya si George.

Para naman mahugot si George ay ibinigay ng Clippers sa Thunder sina guard Shai Gilgeous-Ale­xander at forward Danilo Gallinari, ang apat na un­protected first-round picks, isang protected first-round pick at dalawang pick swaps.

Ang 28-anyos na si Leo­nard (Los An­geles) at ang 29-anyos na si George (Palmdale) ay pa­rehong tu­bong Southern California.

Tatanggap si Leonard ng four-year, $142 million maximum contract.

Nahugot ng Raptors sina Leonard at Danny Green mula sa San Anto­nio Spurs kapalit nina De­Mar DeRozan, Jakob Poeltl at isang protected first-round pick.

Napanood lamang ang star forward sa siyam na laro para sa Spurs dahil sa kanyang right quadricep injury.

Sa nakaraang regular season ay naglista si Leo­nard ng mga averages na 26.6 points, 7.3 rebounds, 3.3 assists at 1.8 steals sa 60 games para sa Toronto.

Itinaas pa niya ito sa postseason mula sa kanyang mga hinakot na 30.5 markers, 9.1 boards at 3.9 assist per game.

Isinara ni Leonard ang postseason na may ka­buuang 732 points, ang third-highest total sa kasaysayan ng NBA Playoffs sa ilalim nina Mi­chael Jordan (759; 1992) at LeBron James (748; 2018).

Si Leonard ang ikatlong Raptors superstar na umalis sa pamamagitan ng free agency matapos si­na Tracy McGrady (Orlando Magic; 2000) at Chris Bosh (Miami Heat; 2010).

Nagposte naman ang 6-foot-9 na si George ng mga avera­ges na career-best 28.0 points, 8.2 rebounds at 4.1 assists sa na­karaang season para sa Oklahoma City.

Sinasabing may sigalot sina George at Thunder star guard Russell Westbrook kaya hindi na nagdalawang-isip ang Oklahoma City.

Samantala, dinala ng Washington Wizards si star center Dwight Ho­ward sa Memphis Grizzlies  kapalit ni swingman C.J. Miles.

Plano ng Grizzlies na i-trade ang veteran center.

Sa pagkuha kay Miles ay makakatipid ang Wi­zards ng $3.1 milyon.

Ang 33-anyos na si Ho­­­ward ay may kontrata pang nagkakahalaga ng $5.6 milyon.

Nakita lamang siya sa siyam na laro para sa Wa­shington sa nakaraang season at nagtala ng mga averages na 12.8 points at 9.2 rebounds.

Sa kanyang 15 seasons sa NBA ay naglaro si Howard para sa Orlando Ma­gic, Los Angeles La­kers, Houston Rockets, Atlanta Hawks, Charlotte Hornets at Wizards.

vuukle comment

KAWHI LEONARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with