^

PM Sports

$170-M contract kay Ben Simmons

Pang-masa
Ben Simmons

PHILADELPHIA -- Maibibilang na rin si All-Star point guard Ben Simmons bilang player na may malaking kontrata sa NBA.

Inaayos na ni Simmons at ng Philadelphia 76ers ang isang $170 million, five-year extension.

Tatanggap si Simmons ng halos $8.1 milyon ngayong season, ang hu-ling taon ng nilagdaan niyang four-year rookie deal.

Kung tuluyan nang mapaplantsa ang negosasyon ay lolobo ang suweldo ni Simmons sa $29.3 milyon simula sa susunod na season hanggang lumaki sa $39 milyon sa 2024-25.

Si Simmons ang No. 1 overall pick ng Philadelphia noong 2016 Draft at ginawa ang kanyang NBA debut noong 2017-18 season kung saan nakuha niya ang Rookie of the Year honors.

Nauna nang napapayag ng 76ers sina Tobias Harris at Al Horford na lumagda sa $180 million, five-year deal at $109 million, four-year contract, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pumayag naman ang Utah Jazz sa one-year, $2.5 million deal para kay veteran forward Jeff Green.

Bibigyan din ng Wi-zards si Isaiah Thomas ng one-year, $2.3 million deal at tatanggapin ang veteran’s minimum ng point guard mula sa Denver Nuggets.

Nakuha naman ng Los Angeles Lakers si veteran forward Jared Dudley sa isang one-year, $2.6 million deal.

Sa Oakland, California, kinuha ng Golden State Warriors sina center Willie Cauley-Stein at forward Glenn Robinson III bilang bahagi ng kanilang pagpapalakas para sa darating na NBA season.

Kamakalawa ay binigyan ng Warriors si back-up center Kevon Looney ng three-year contract matapos ihayag ni Kevin Durant ang kanyang paglipat sa Brooklyn Nets.

Hindi pa maaaring magpapirma ng kontrata ang mga NBA teams sa mga players hanggang hindi natatapos ang NBA moratorium period sa Sabado.

 

vuukle comment

BEN SIMMONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with