^

PM Sports

Gilas Youth yuko sa Russia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Yukod ang Gilas Pilipinas youth squad sa bigating Russia, 64-92 sa pagtatapos ng 2019 FIBA U19 World Cup group stage kahapon ng mada-ling araw sa Heraklion Arena sa Greece.

Ito na ang ikatlong sunod na kabiguan ng Nationals upang malaglag sa ikaapat na puwesto ng Pool C papasok sa knockout round ng prestihiyosong world youth basketball championships.

At wala pa man ding pahinga, sasalang agad ngayon sa aksyon ang Gilas Youth sa 11:05 ng gabi sa Round of 16 knockout round kontra sa Serbia na winalis ang Pool D hawak ang 3-0 kartada.

Malaki sana ang tsansa ng Gilas na makaiskor ng panalo at makaiwas na malaglag sa fourth place sa crossover knockout kontra sa Serbia na ikaapat sa buong mundo ayon sa U19 World Rankings.

Subalit nadale ng ACL injury ang pambato nitong si AJ Edu sa unang laban pa lang na siyang ininda ng Gilas nang kapusin ito kontra sa Greece, 69-85 at sa Argentina 72-77.

Dahil dito, hindi na nakarekober ang Nationals nang tumaob ito kontra sa world no. 19 Russia, 62-92.

Bumida sa atake ng Russia si Aleksandr Eshov na naglista ng 21 puntos, anim na rebounds, dalawang assists at dalawang steals sa 26 minutong aksyon lamang.

Matapos naman ang triple double na 20 puntos, 13 rebounds at 12 assists kontra sa Greece, muling nagpasiklab si Nikita Mikhailovskii sa 16 puntos, 10 rebounds at apat na assists.

Sumuporta naman sina Anton Kvikovskikh at Sergey Dolinin na umariba ng 12 at10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa  balanseng Russian attack.

Sa panig naman ng Gilas youth, muling nanguna ang 7’2 sensation na si Kai Sotto na humakot ng 14 puntos, pitong rebounds at anim na supalpal.

Naglista rin ng 14-puntos, 5-ebounds at 5-assists si Dave Ildefonso habang may 12-puntos at 5-rebounds din si Carl Tamayo subalit kapos pa rin upang mabigyan ng panalo ang Gilas youth.

 

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with