Criteria para sa SEAG athletes ilalatag ni Ramirez
MANILA, Philippines – Sinimulan na ni Philippine Sports Commission chairman at Chef de Mission William Ramirez ang pag-likha ng criteria para sa mga mi-yembro ng Team Philippines na sasabak sa darating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“It is important for us to be transparent,” pahayag ni Ramirez.
Sinabi ni Ramirez na importante ang paglalatag sa nasabing criteria upang siguraduhing ang mga maga-galing lamang na atleta ang kakatawan ng bansa sa 11-nation multi-event competition.
“It is important that we field the best among them since the success of the Games hinges on the performance of our athletes,” dagdag ni Ramirez.
Pinaalalahanan na rin ng CDM secretariat ang ibat-ibang national sports associations (NSAs) na magsumite na ng mga credentials ng kanilang mga atleta upang nakahanda na ang lahat bago matapos ni Ramirez ang guidelines sa linggong ito.
Ipinahayag ang nasabing pagsumite ng line-ups at athletes credentials sa isinagawang NSA meetings at consultations noong Biyernes kasama si Ramirez at PSC commissioners na sina Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Charles Maxey.
Ayon kay Team Philippines secretariat head Maria Luisa Ner, ang Philippine Rowing Association at Philippine Skating Union ang mga unang NSA na nagsumite sa kanilang line-ups at athletes’ credentials.
- Latest