Butler maglalaro para sa Heat; Horford magsusuot ng 76ers jersey
MIAMI - Pumayag si veteran guard Jimmy Butler sa $142 million, four-year contract mula sa trade sa pagitan ng Heat at Philadelphia 76ers.
Para makumpleto ang nasabing palitan ay isasama ng Miami at Philadelphia sa kanilang usapan ang Dallas Mavericks.
Ibibigay ng Heat si Josh Richardson sa 76ers at dadalhin si Goran Dragic sa Mavericks.
Samantala, lalagda si Al Horford sa isang four-year, $97 million deal sa Philadelphia.
Nagtala ang 6-foot-10 na si Horford ng mga averages na 13.6 points, 6.7 rebounds at 4.2 assists para sa Boston Celtics sa nakalipas na season.
Sa Portland, pipirmahan ni Damian Lillard ang four-year Supermax extension sa Trail Blazers na nagkakahalaga ng $200 milyon.
Sa Oakland, plano ng Golden State Warriors na mahugot si D’Angelo Russell mula sa Brooklyn Nets.
Hinahabol din ng Los Angeles Lakers ang 23-anyos na si Russell, isang unrestricted free agent.
Dadalhin naman ng Warriors si Andre Iguodala sa Memphis Grizzlies kasama ang isang protected 2024 draft pick.
Sa Toronto, umaasa si Raptors head coach Nick Nurse na mananatili sa kanila si star fiorward Kawhi Leonard.
Makikipagpulong si Leonard sa Lakers at LA Clippers bago magdesisyon kung saan siya maglalaro.
Sa Milwaukee, ibibigay ng Bucks si guard Malcolm Brogdon sa Indiana Pacers.
Bilang kapalit ay makukuha ng Milwaukee sa Indiana ang isang 2020 first-round draft pick at dalawang future second-round picks,
- Latest