^

PM Sports

Cebu, Rizal parehong nakapanilat

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtala ang Cebu ng malaking upset win laban sa pinapaborang home team ng Manila, 91-86 sa isang overtime game tungo sa kanilang ikalawang sunod na pa-nalo sa MPBL Lakan Season sa San Andres Gym sa Manila noong Sabado ng gabi.

Tumapos si Patrick Cabahug ng 27 points kabilang ang limang triples ngunit maraming nakuhang tulong mula sa kanyang teammates partikular kina Will McAloney, Edrian Lao, Victor Nuñez at Michael Cenita na umangat nang kaila-ngan ito ng Casino Ethyl Alcohol-backed Sharks para makabangon mula sa 15 points deficit sa first half tungo sa panalo.

Tumapos si McAloney ng double-double sa kanyang 19 points and 14 rebounds habang si Lao ay nagdagdag ng 11 markers.

Nagtulong naman sina Nuñez at Cenitasa 16 markers para sa Sharks na sumandal sa kanilang depensa para limitahan ang Stars sa 31-percent shooting mula sa field (26-of-82).

Ginulantang din ng Rizal ang pinapaborang Muntinlupa, 70-66 para ibigay kay rookie coach JV Gayoso ang kanyang unang career sa luma-laking regional amateur basketball league na itinayo nina Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes na siya namang nagsisilbing commissioner ng liga.

Tulad ng Sharks sumandal ang Golden Coolers sa depensa para ma-pressure ang Cagers team to complete a win in this error-prone match.

Nakagawa ang Golden Coolers ng 28 turnovers ngunit napuwersa rin nila ang Cagers sa 24 turnovers.

Kilala sa kanilang mainit na laro, hindi naasahan ng Muntinlupa ang top gunner na si GJ Ylagan dahil sa kanyang oath taking ceremonies bilang bagong halal na  public official.

Pinabagsak naman ng Biñan ang Nueva Ecija, 98-90 para sa kanilang unang panalo.

 

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with