^

PM Sports

Hotshots diretso sa pang-limang sunod

Russell Cadayona - Pang-masa
Hotshots diretso sa pang-limang sunod
Walang nagawa si Marc Pingris ng Magnolia laban kay Meralco import Delroy James.
PBA Images

MANILA, Philippines — Maski ang pagpaparada sa kanilang pangatlong import sa ikatlong su­nod nilang laro ay hindi na­katulong sa Meralco.

Humataw ang Magno­lia Hotshots sa fourth quarter para pabagsakin ang Bolts, 99-88, sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MVA Ci­ty Coliseum sa Zamboanga City.

Ipinoste ng Magnolia ang kanilang pang-li­mang dikit na arangka­da matapos ang 0-2 pani­mula para palakasin ang tsansa sa eight-team quarterfinal round.

Nagtala si hometown idol Mark Barroca ng 21 points at 7 assists para pa­munuan ang tropa ni coach Chito Victolero, ha­­bang may 19 markers, 17 rebounds at 2 assists si import James Farr.

Nalasap naman ng Me­ralco ang kanilang ika­apat na sunod na ka­ma­lasan sa kabila ng ki­namadang 35 points, 10 boards at 4 assists ni import Delroy James.

Ang 32-anyos na European League veteran ang ikatlong reinforcement na ipinarada ni men­tor Norman Black ma­tapos sina Gani Lawal at Jimmie Lee Taylor.

Matapos itayo ng Hot­shots ang 17-point lead, 32-15, sa pagtiklop ng first quarter ay nakadikit naman ang Bolts sa 54-58 sa 5:01 minuto ng third quarter.

Ngunit hindi isinu­ko ng Magnolia ang ka­nilang kalamangan at mu­­ling humataw sa final canto mula sa ipinosteng 20-point advantage, 91-71, sa huling 6:13 minuto galing sa baseline drive ni guard Jio Jalalon.

Samantala, lalabanan ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang Alaska ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang laro ng San Miguel at Columbian sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

vuukle comment

HOTSHOTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with