^

PM Sports

Katatakutan pa rin ang San Miguel

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maaaring hindi na naman makatapos sa Top Two at hindi makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals ang San Miguel Beer. Pero hindi malayong maulit ang playoff romp na ginawa ng mga Beermen noong nakalipas na PBA Philippine Cup.

Hanggang nariyan si June Mar Fajardo at kasama sina Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Christian Standhardinger at Terrence Romeo, ang San Miguel pa rin ang siguradong katatakutan ng lahat na makatapat sa playoffs.

At kasunod na nakakatakot kaharap sa postseason play ang Barangay Ginebra at Magnolia.

Kung hindi magbabago ang takbo ng mga laro, tatapos na No. 1 at No. 2 ang TNT KaTropa at NorthPort.

Ang tanong ay kaya ba nilang iwasan ang bagay na sinapit ng Phoenix Pulse at Rain or Shine – Top Two sa Philippine Cup elims pero tiklop sa SMB and Magnolia pagdating sa semis series?

***

Nabalik bigla sa aking alaala si Bulgarian boxer Daniel Petrov at ang kanyang panalo kontra kay Onyok Velasco sa kanilang gold-medal match sa 1996 Atlanta Olympics. Nasa sukdulan na ang pag-aabang ng bansa na mahugot ang unang Olympic gold nang biguin ni Petrov si Velasco at ang buong Filipino nation.

Twenty-three years later, may Bulgarian (Simeon Tzvetkov) na kumatok sa pinto ng aming tahanan.

Pero walang binigo ang Bulgarian na ito, kung hindi tinupad ang pangarap niya at ng aking panganay na anak na si Cheska sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ang sabi sa Ecclesiastes 3 sa wikang Ingles: To everything there is a season, a time for every purpose under heaven: A time to be born and a time to die; a time to plant and a time to uproot; a time to weep, and a time to laugh; a time to mourn, and a time to dance…

Dumating na ang panahon na nagsayaw kami ng aking anak at pagkatapos ay akin na siyang hina-yaan sa bagong buhay bilang si Mrs. Cheska Tzvetkova. ARAGUY!!!!!

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with