^

PM Sports

Batang Pier muling sumosyo sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
Batang Pier muling sumosyo sa liderato
Tinapikan ng bola ni Blackwater veteran playma­ker Mike Cortez si guard Paolo Taha ng NorthPort ha­bang nakatingin si Bobby Ray Parks, Jr. sa first half kahapon.
PM pho­to ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nang pu­masok ang mga tirada ng mga ba­gong hugot na sina Kevin Ferrer, Sol Mercado at Jer­vy Cruz ay hindi maiwasang mangiti ni coach Pido Jarencio.

“Alam ko lahat ng ki­­nuha namin ay makaka­tulong sa amin,” wika ni Ja­­ren­cio.

Nakahugot ng double di­gits mula sa pitong pla­­­yers, pinabagsak ng Ba­­tang Pier ang Blackwater Elite, 127-99, para sumosyo sa liderato ng 2019 PBA Commissio­ner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kumolekta si Ferrer ng 23 points, 6 assists at 5 re­bounds para sa pang-pitong panalo ng NorthPort sa walong laro at maka­tab­la sa unahan ang TNT Katropa.

Nag-ambag naman si Sean Anthony ng 22 mar­kers kasunod ang 16, 14 at 10 points sina Robert Bolick, Cruz, Mercado, im­port Prince Ibeh at Paolo Taha, ayon sa pag­ka­kasunod.

Sina Mercado, Cruz at Ferrer ay mula sa nagde­depensang Barangay Gi­nebra bilang kapalit ni Stanley Pringle.

Nalasap ng Elite ang ka­nilang ikalawang sunod na kamalasan matapos umuwi sa US ang may injury na si import Alex Stepheson.

Mula sa 29-21 abante sa pagtiklop ng first quarter ay nag-init ang NorthPort sa second canto pa­ra ilista ang 44-28 kalama­ngan galing sa jumper ni Cruz.

Ang three-point shot ni Ferrer ang nagbaon pa sa Blackwater sa 69-102 sa 8:02 minuto ng laro.

Pinamunuan ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, Jr. ang Elite mula sa kanyang 25 points.

 

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with