Pangangasiwa ng SEAG giit ni Cayetano
MANILA, Philippines – Sa pamamagitan ng kinikilalang Philippine Sea Games Organizing Committee, iginiit ni Taguig City Rep.-elect Alan Peter Cayetano na walang makakapigil sa pagtatanghal ng 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas sa taong ito at ang magmamando nito ay ang PHISGOC.
“We will not withdraw. There is no stopping the Philippines from hosting this year’s SEA games. The President (Duterte) already rejected the idea that the POC will handle solely the ma-nagement of the preparations for the hosting of the Games,” sabi ni Cayetano, ang chairman ng PHISGOC.
Sinabi ni Cayetano na ang politika sa sports at burukrasya ay naging hadlang at nakakaapekto sa preparasyon ng 2019 Sea Games ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa New Clark City, Subic, MetroManila at Tagaytay City.
Dahil dito, nanawagan ang dating DFA secretary sa mga stakeholders na ihinto na ang pagkalat ng mga intriga at fake news dahil lilikha lamang ito ng negatibong epekto sa reputasyon ng bansa.
Kahit kasalukuyang may problemang kinakaharap ang Philippine Olympic Committee, patuloy umanong gagampanan ng Phisgoc ang preparasyon ng Sea Games na sa kanyang tantiya ay nasa 60 porsyento na.
“We are not seeking support for PHISGOC, but we are doing this for the sake of our athletes, our National Sports Associations and for the nation in general,” pahayag ni Cayetano sa press conference noong Miyerkules sa BGC, Taguig City.
- Latest