^

PM Sports

Mahigpit ang labanan sa D-League MVP race

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dikitan ang labanan sa Most Valuable Player derby ng PBA Developmental League nina Cignal-Ateneo ace Thirdy Ravena, RK Ilagan at Allyn Bulanadi ng Valencia City.

Subalit dahil abante sa Finals ang Blue Eagles kontra sa pilay na CEU, bahagyang angat sa karera si Ravena sa likod ng inirehistrong 14.2 puntos, 5.0 rebounds, 4.0 assists at 1.2 steals sa loob ng siyam na laro.

Sa katunayan, hindi pa nakalaro sa unang bahagi ng kampanya ng Cignal-Ateneo si Ravena dahil  sa pagkakasali niya sa Gilas Pilipinas sa huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Pebrero.

Subalit nakabalik agad si Ravena nang pumasok na nga sa World Cup ang Gilas, upang matulungan ang Blue Eagles na angkinin ang no.1 spot sa Aspirants’ Group hawak ang 8-1 kartada.

Kahit naman natanggal sa semis sa kamay ng Ateneo, malakas pa rin ang laban nina Ilagan at Bulanadi na pinanguna-han ang stats sa lahat ng local players.

Nagtala si Ilagan ng 20.4 points sa 39-percent three point shooting sahog pa ang 6.8 rebounds, 5.1 assists at 2.2 steals habang tumikada naman si Bulanadi ng 20 points, 6.5 rebounds, 2.8 assists, 2.3 steals at 1.1 blocks bago nadale ng shoulder injury kontra sa Blue Eagles.

Kandidato rin sa MVP sina Ateneo big man Isaac Go (9.9 points, 4.9 rebounds, 1.3 assists) gayundin ang St. Clare duo na sina Joshua Fontanilla (13.3 rebounds, 3.5 rebounds, 4.1 assists, 2.9 steals) at Junjie Hallare (13.2 points, 7.1 rebounds, 2.2 steals).

Hindi rin papahuli ang CEU star na si Rich Gunitaran (13.7 points, 3.8 rebounds, 1.3 steals) matapos buhatin ang Scorpions hanggang sa Finals kahit wala ang walong ibang manla-laro nito na nasangkot sa game-fixing allegations.

Nakatakda ang MVP awarding ceremony sa Game 3 sa Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

vuukle comment

D-LEAGUE MVP RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with