^

PM Sports

Solo sa unahan ang TNT katropa

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inangkin ng Talk ‘N Text ang solo liderato matapos ang 104-91 tagumpay kontra sa Meralco sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Abante lang ng tatlong puntos, 52-49 sa halftime, kumawala ang KaTropa sa ikatlong kanto sakay ng 29-19 ratsada upang tuluyang ilayo ang Bolts, 81-68 papasok sa fourth quarter.

Hindi na bumitaw pa sa unahan ang TNT simula noon at lumamang pa ng hanggang sa 19 puntos tungo sa malaking follow up victory nito sa 104-96 panalo kontra sa defending mid-season conference champion Ginebra nitong Myerkules.

Dahil dito ay umangat na sa 6-1 baraha ang KaTropa upang makakalas sa katabla na Northport (5-1) para sa no.1 spot ng import-flavored conference.

Trumangko sa atake ng TNT ang NBA veteran na si Terrence Jones na humakot ng 49 puntos, 18 rebounds at 4 assists.

Sumuporta naman sa kanya sina Ryan Reyes at Don Trollano na may 19 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Matapos naman magliyab sa 38 puntos sa sampung tres noong nakaraang laban, nagkasya lang sa apat na puntos si Roger Pogoy na hindi naman halos ininda ng KaTropa na lumapit ng isang panalo upang makasiguro ng upuan sa quarterfinals.

Sa kabilang banda, tanging si Chris Newsome lang ang nakapagpasiklab para sa Bolts sa kanyang 32 puntos, tatlong rebounds, limang assists at dalawang steals.

Bigo namang makatulong nang malaki ang bagong import na si Jimmie Taylor sa kanyang 13 puntos, 18 rebounds, dala-wang assists at dalawang steals.

Matatandaang kamakalawa lang ay pinalitan ni Taylor ang original import na si Gani Lawal bunsod ng hamstring injury.

Bumagsak sa 3-4 ang Bolts.

vuukle comment

TNT KATROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with