^

PM Sports

Vargas haharapin ang POC Exec. board

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong ang Philippine Olympic Committee (POC) executive council board members sa pangunguna ni President Ricky Vargas upang talakayin ang mga krusyal na usaping bahagi ng paghahanda ng bansa para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ito ay utos mismo ni Vargas ayon sa opisyal na pahayag na inilabas kahapon matapos ang pa-nawagan ng ilang executive board members ng isang masinsinang pagpupulong upang masagot na ang mga kritikal na katanungan nila sa paghahanda ng bansa sa SEAG.

“I have decided to accept the call of the majority of executive board members for  session with me on 18th of June to clear up the matters in the inte-rest of unity in this crucial stage of our preparations for the Southeast Asian Games,” ani Vargas.

Kabilang sa pag-uusapan ng makapangyarihang board ang maselang isyu ng pagkakasangkot ni Vargas sa Phisgoc Foundation na hindi diumano nabasbasan ng board at ang kwestiyonableng transaksyon sa isang apparel company.

Ang Phisgoc Foundation ay kaiba sa orihinal na Phisgoc sa pangu-nguna ni dating Senador Alan Peter Cayetano na siyang naatasang humawak sa 30th SEA Games.

Ayon sa board, isa si Vargas sa incorporators ng Phisgoc foundation na siyang naging biglang res-ponsible sa SEAG hosting at ibang pang international events, na dapat ay Phisgoc ang may mandato.

Isa rin sa tatalakayin sa krusyal na pagpupulong ay ang ‘hindi makataru-ngang’ pondo na hiningi ng Phisgoc Foundation sa Philippine Sports Commission para sa isang set ng uniform ng mga atleta sa ilalim ng apparel company na Asics.

Ayon sa request, pu-mapatak ng mahigit sa P51,000 ang halaga ng isang uniform ng bawat atleta na malayo sa P25,000 na pondo ng uniform ng mga atleta sa mas malaking patimpalak na Asian Games noong nakaraang taon sa Indonesia.

Ito ang nais ng POC board na masagot ni Vargas ayon kay board member Clint Aranas na archery president at general mana-ger ng Government Service Insurance System sa isang press conference naman kamakalawa.

“We’re not calling for an election or declaring any vacancy. All we want is for the POC president to come forward to tell us the truth and discuss how we can help him,” ani Aranas. “All his actions were done without board approval. That’s why we’re asking. If you’re talking about good governance, now is the perfect chance for Mr. Vargas to come up with an explanation.”

 

vuukle comment

POC EXEC. BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with