^

PM Sports

Tahimik sana ang tirada

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagpahayag si Sen. Manny Pacquiao na susugpuin niya ang game-fixing, kung meron man talagang nangyayaring ganoong bagay sa Philippine basketball.

Ipinahayag niya ang ganoong statement upang una sa lahat, pangalagaan ang kanyang liga na Maharlika Pilipinas Basketball League at ang interest ng mga Filipino basketball fans.

Aniya, sila ay makikipagtulungan sa kinauukulang grupo upang sugpuin ang bagay na ito.

Maganda ang sound bites, pero seryoso ba ito?

Kasi kung seryoso ay mas maganda siguro na walang press release at tahimik nilang tatrabahuhin upang hulihin ang nasa likod at kung sino ang mga nakikisali sa iskandalo na ito.

Dahil sa ingay, syempre mananahimik muna ang mga gumagapang na game-fixer – kung meron man. Maghihintay muna ang mga itong humupa ang init bago gumapang uli – kung meron man.

Ang matagal ng bulung-bulongan, may mga gumagapang daw sa mga players na magbenta ng laro kaugnay ang malaking pasugal ng mga ilang Filipino-Chinese sa Binondo.

Malakas daw ang negosyong ito na nagpapataya ng laban sa PBA at kahit na sa mga collegiate leagues.

Kaya nga sa naging iringan nina UCBL commissioner Horacio Lim at Go For Gold-CSB coach Charles Tiu, naging maugong ang gambling na ito.

“Don’t be naïve to think there isn’t gambling in these leagues,” ani Tiu sa kanyang litanya sa kanyang Facebook account.

***

May daglian kayang epekto ang pagsampa ni Jericho Cruz sa NLEX team? Malalaman ito dahil magde-debut na si Cruz kasama ang mga Road Warriors sa kanilang laban kontra sa Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup ngayong gabi.

Naniniwala si acting NLEX coach Jojo Lastimosa na maraming upsides na dala si Cruz sa kanyang pagsampa sa koponan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with