^

PM Sports

Ikalawang tsansa ng Raptors para sa titulo

Pang-masa

OAKLAND, California - Dadalhin ang NBA Finals sa Oracle Arena sa pinakahuling pagkakataon.

Para sa Toronto Raptors, ito ang ikalawa nilang pag­kakataon para mahablot ang kauna-unahang NBA championship.

Sa panig naman ng Golden State Warriors ay mag­lalaro sila para kay injured forward Kevin Durant at sa mga fans na kanilang maiiwan sa Oakland.

Nakatakda ang Game Six bukas (Manila time).

Dadalhin ng Raptors ang kanilang hawak na 3-2 kalamangan sa best-of-seven championship series ni­la ng Warriors.

At umaasa ang Toronto na hindi na mauulit ang nangyari sa Game Five kung saan naitayo nila ang isang six-point lead sa huling tatlong minuto bago ito naisuko sa Golden State.

Kumamada sina Thompson at Stephen Curry ng tatlong magkahiwalay na three-point shots para sa 106-105 paglusot ng Warriors at makabangon sa da­lawang sunod nilang kabiguan sa Raptors.

“Come out and do the same thing. Just be mentally focused, try to limit our mistakes, and be the aggressor,” wika ni Toronto star forward Kawhi Leo­nard sa kanilang game plan sa Game Six. “Just play hard 48 minutes and see what happens.”

Alam naman ng Golden State na hindi na maka­ka­balik sa serye si Durant at maging sa susunod na apat hanggang anim na buwan bunga ng kanyang na­tamong Achilles tendon injury sa Game Five.

Naglaro si Durant kahit na kagagaling lamang sa strained right calf injury na nagpaupo sa kanya ng ha­los isang buwan.

Hindi rin makukuha ng Warriors ang serbisyo ni back-up center Kevon Looney.

Kaya naman ang kanilang ‘fighting spirit’ ang sasandigan ng Golden State laban sa Toronto.

vuukle comment

NBA FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with