^

PM Sports

Anne tinalbugan si Catriona!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Anne tinalbugan si Catriona!
Anne Curtis

Four times na nagpalit ng gown na iba’t iba ang kulay at nag-change hairdo si Anne Curtis bilang co-host ni Richard Gutierrez sa katatapos lang na coronation ng Bb. Pilipinas-Universe 2019 na ginanap sa Araneta Coliseum.

Talbog sa kanya si Catriona Gray, the reigning Miss Universe 2018, who came home from her universal duties as Miss Universe, to crown her successor sa Bb. Pilipinas-Universe.

Richard, too, from beginning to end of the show, wore the same suit.

Heart at Chiz todo palakpak sa pambato ng Sorsogon

In the same event, namataan namin on TV (kung saan pinanood namin ang palabas) ang mag-asawang outgoing Senator and now Governor ng Sorsogon, si Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Palakpak ang dalawa to the max nang tawagin ang candidate from Sorsogon, who, unfortunately, didn’t make it sa finals. Bagamat naging semi-finalist.

Nakita rin namin si Jean Saburit, who was the former winner ng title na Miss Young International.

Isa si Gloria Diaz, kauna-unahang Filipina na tinanghal bilang Miss Universe (year 1969), sa umupong judge ng kontes, na kinabibilangan din nina Daniel Padilla at magkasintahang sina James Reid at Nadine Lustre at marami pang iba.

Na-maintain ni Gloria ang grace bilang Miss Universe at aktibo pa rin siya sa showbiz.

Hanggang ngayon, kasama pa rin sa cast ng Los Bastardos si Gloria who is with Ronaldo Valdez, Jake Cuenca, Joseph Marco, Marco Gumabao and former Miss International Kylie Versoza.

Dating aktres na si Azenith Briones gusto uling umarte

Two years na rin pala mula nang binawian ng buhay ang asawa ng dating beauty queen-actress na si Azenith Briones, si Eleuterio Reyes, known sa kanilang bayan sa San Pablo City as El Rey, sa isang ‘di inaasahang aksidenteng naganap sa Resorts World Manila.

Since she became a widow, Azenith chose na manatili na lang sa bahay, nag-aalaga sa kanyang maliliit na apo.

But one day daw, a quick look at her face and she realized she didn’t look her age, na ayaw naman niyang ibunyag.

Basta in the 80’s, naging paboritong leading lady siya, especially ng mga action star, kabilang na ang kinikilala pa hanggang ngayon na King of Philippine movies, si Fernando Poe, Jr. at ang bagong halal na senador, si Lito Lapid.

Gusto niyang magbalik-showbiz at sana nga raw, mabigyan muli siya ng pagkakataon na humarap sa camera, either on the small or big screen.

She woudn’t mind daw doing mother roles, or whatever.

Now, sa ating mga producers any takers?

PBB housemate na nagbebenta ng baboy pangarap makabili ng bahay

Iisa ang hangarin ng apat na itinuturing na Big Four sa still ongoing Pinoy Big Brother (PBB) Otso.

We are referring to Batit, Tan, Ashley at Yen, ages ranging from 16 at 19. They all dream to give a better life to their respective families, once pinalad silang mabigyan ng pagkakataon sa showbiz.

Kung papalarin ang kahit sino sa kanila na maging Big Winner, well, the more they will appreciate it, malaki ang premyo in cash.

Bukod sa malaki ang pag-asang maging artista.

Best example ang mga established nang PBB champ sa kasalukuyan ay sina Kim Chiu at Melai Cantiveros.

Add to them ang nag-emerge runners up na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jayson Gainsa, Joshua Garcia, Loisi Andalio at Mariz Racal, to name some. Mga established showbiz personalities na sila. “Ako, hindi ko ipagkakailang ang purpose ko in joining PBB Otso ay para manalo talaga. Dahil alam kong malaking tulong ito sa pamilya ko, pag nagkataon. Nag-aalaga lang kami ng baboy, na kapag napalaki na namin, aming ipinagbibili. Wala na kasi akong ama. Kaya, tanging nanay namin ang nag-aalaga sa amin.

“Isa sa pinaka-immediate na pangarap ko ay ang makapagtayo kami ng bahay, dahil ngayon ay nakikitira kami sa isang kamag-anak.

“Gusto ko rin na makapag-aral at makatapos ng kahit anong kurso kaming magkakapatid.”

Yen is only 16 and hails from Buhi, Camarines Sur.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with