^

PM Sports

Eddie apektado ang spinal column sa pagbagsak kaya na-comatose!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Eddie apektado ang spinal column sa pagbagsak kaya na-comatose!
Eddie Garcia

Lahat halos ay naniwalang inatake nga sa puso ang actor na si Eddie Garcia kaya siya nag-collapse doon sa set ng Rosang Agimat. Naroroon naman kasi ang lahat ng indikasyon. Napakainit ng panahon noon, at ano pa ba naman ang iisipin agad na dahilan ng kanyang pagbagsak.

Isinugod siya sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, kung saan isinagawa ang initial medical actions at natural titingnan din nila kung ano talaga ang nangyari. Marami ang naniwalang atake nga, dahil sinasabing nagpalabas pa mismo ng statement ang kanyang pamilya na ganoon nga ang sitwasyon. Ngayon itinuturo nila ang kanyang son-in-law na Nick ang pangalan na siya raw nagpalabas ng statement.

Wala kasing lumabas na medical bulletin, iyon pala doon pa lang sa Mary Johnston ay nakita na sa laboratory tests na hindi inatake sa puso si Manoy, kung hindi nagkaroon ng severe cervical fracture dahil sa kanyang pagbagsak. Apektado ang kanyang spinal column at iyan ang dahilan kung bakit para siyang na-comatose. Mula pala roon, siya ay dinala sa Makati Medical Center at hindi sa St. Luke’s kagaya ng unang naibalita rin maging sa telebisyon.

Pinatunayan na rin ng kanilang family physician na kinilalang si Dr. Enrique Lagman, na severe cervical fracture nga ang nangyari. Nagkaroon ng damage ang kanyang buto sa gawi ng leeg, na may epekto sa spinal column dahil karugtong iyon. Si Manoy ay nasa ICU ngayon ng Makati Med kung saan sinasabing malubha pa rin ang kanyang kalagayan.

Muli naming ni-review ang video, at noon lang namin napansin sa slow motion, na napatid nga pala siya ng cable na nasa kalye. Doon siya unti-unting bumagsak. Masama ang kanyang naging bagsak at maaaring lumala pa iyon dahil sa pagkakabuhat sa kanya ng mga dumalo at tumulong. Kung iyang mga iyan ay mga medic kagaya ng karaniwang ginagawa sa mga naaaksidente, nilalagyan muna ng neck brace bago sila buhatin at ilagay sa stretcher.

Sa ngayon ang magagawa na nga lamang na­ting lahat ay manalangin, na sana nga ay makabawi pa si Manoy sa kanyang aksidente.

Vickie na-mental block, napasama agad sa ‘thank you girls’

Humahakot na ng special awards ang syota ni Jason Abalos na si Vickie Rushton sa simula ng Binibining Pilipinas pageant. Hindi rin maikakailang mukhang liyamado ang beauty queen mula sa Negros Occidental sa simula ng pageant. Siya ang binabantayan ng marami sa mga nanonood.

Nagsigawan pa ang mga tao, dahil ang nakabunot para magtanong sa kanya ay ang matinee idol na si Daniel Padilla. Nang tanungin ni Daniel si Vickie, “why is mental health as important as physical health”, aba nataranta na ang Negros Occidental beauty. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong na iyon, na actually hindi niya nasagot nang tama, inabot pa siya ng batingting.

Sa ganoong sitwasyon, alam mo na ang kasunod. Tiyak na kasama na siya sa “thank you girls” na siya ngang nangyari. Hindi masabi kung nataranta lang o nagkaroon ng mental block o ano nga ba. Isang simpleng tanong iyon na masasagot naman ng simple. Hindi na kailangang i-Google pa ang sagot.

Pero hindi mo masasabi talaga kung ano ang mangyayari basta umatake na ang nerbiyos sa isang beauty queen.

Usually iyan, may idea na naman sila kung ano ang mga posibleng itanong. Prepared questions naman iyan eh, pero siguro nga iyon ang hindi niya napag-isipan nang husto.

Sa isang pageant, malaking bahagi iyang question and answer. Kasi mahalaga ring may laman ang isip bukod sa maganda nga.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with