^

PM Sports

‘Game fixing’ sa MPBL iimbestigahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Makikipagtulungan ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa isang expert group para maimbestigahan ang alegasyon ng ‘game fixing’ sa loob ng nasabing regional amateur basketball league.

Ang nasabing krusada ay pamumunuan mismo ni founder at chief executive officer Senator Manny Pacquiao.

Seryoso ang Senador na malaman ang katotohanan sa mga naririnig niyang ‘game fixing’ sa mga laro sa MPBL.

“Gusto kong pangalagaan ang MPBL. Gusto kong ang tao ay hindi ni­loloko. Gusto ko ang game laging competitive. Hindi ‘yung maraming ho­kus-pokus,” sabi ni Pacquiao.

“Ayaw kong niloloko natin ‘yung sambayanang Pilipino. Wina-warni­ngan ko lang baka pagdating ng panahon mawala na kayo na parang bula,” dagdag pa ng Filipino world boxing champion.

May mga ‘unconfirmed reports’ na nakarating sa MPBL Commissioner’s Office ukol sa alegasyon ng ‘game fixing’.

Sinabi pa ni Pacquiao na bibigyan niya ng pabuya ang sinumang makaka­pagpatunay na may anomalya sa liga.

“May mga grupo na tayong expert diyan para magsubaybay sa mga pla­yers na kahina-hinala, mga taong pumapasok outside the league,” wika ni Pacquiao. “Bantayan natin sila. Magtulungan na lang tayo.”

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with