^

PM Sports

Iba si Ibeh

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Real deal kaya ang matinding ratsada ng NorthPort?

Ito ang katanungan ng marami sa 4-1 opening salvo ng mga Batang Pier sa PBA Commissioner’s Cup, at kasama rito ang tambak na panalo kontra sa mga powerhouse teams na TNT KaTropa (110-86) at San Miguel Beer (121-88).

Sumasagitsit ang kanilang simula sa midseason conference kahit na dalawang laro pa lamang ang ni­lalaruan ng kanilang injury-hit main local player na si Stanley Pringle.

Mapapansin din na epektibo ang koponan kahit na hindi naman kalakihan ang mga numerong ki­na­kamada ni import Prince Ibeh (averaging 15.6 points, 17.4 rebounds, 1.6 assists).

Tumataba ang puso ni coach Pido Jarencio dahil nananalo sila sa pamamagitan ng total team effort.

Muling masusubukan ang kanilang katatagan kontra sa Philippine Cup runner-up Magnolia bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Kung malulusutan ang Magnolia, malamang ay mag-contend ang NorthPort sa top two at twice-to-beat advantage sa quarterfinals dahil medyo mas magaan ang huling kalahati ng kanilang elims assignments.

Pagkatapos ng laban kontra Magnolia, hahara­pin ng NorthPort ang Rain or Shine, Blackwater, Phoenix, Columbian Dyip at Meralco.

Kumpiyansa ang NorthPort import na tatapos sila sa itaas.

“Our mindset is to beat our opponent every game, and that’s what we’ve been doing so far,” ani Ibeh na umaasang mas gaganda pa ang kanilang laro sa mga parating na laban. “I still haven’t been playing to my expectations.”

At tingin niya na hindi niya kailangan mag-de­liver ng astronomical numbers para ipanalo ang kan­yang koponan.

“I think everyone’s thinking that you have to come in and score 40, but there’s so much more to the game,” aniya     

vuukle comment

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with