Ramirez, Diaz okay na
MANILA, Philippines – Kahit pa gumawa ng issue si Hidilyn Diaz na hindi siya tinulungan ng Philippine Sports Commission, mananatili pa rin ang suporta ng go-vernment sports agency para sa 2016 Rio Olympiad silver medalist.
“The government will continue to support her,” sabi ni Ramirez. We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn (Diaz) is,” sabi ni PSC chairman William Ramirez.
Sinamahan si Diaz ni AFP Special Services Chief Col. Taharudin Ampatuan kahapon upang makikipagkita kay Ramirez sa kanyang opisina kung saan nagkabati ang dalawa at nangako ang taga-Zamboanga City weightlifter na ipagpapatuloy niya ang hangarin na mag-uwi ng gintong medalya sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Ramirez na inaprubahan nila ang dalawa pang kahilingan ni Diaz na financial assistance para sa kanyang training sa China.
“Let’s journey together towards that gold,” sabi ni Ramirez kay Diaz.
Muling magkikita sina Ramirez at Diaz sa mga susunod na araw para sa patuloy na pag-uusap tungkol sa training ng 28-anyos na weightlifter.
Ayon sa sports agency, si Diaz ay tumatanggap ng pinakamalaking allowance sa national pool at nakakuha ng P4.5 milyon para sa kanyang training sa Hainan at Guangxi sa China.
Binabayaran din ng PSC ang monthly salary at food allowance ni Julius Kaiwen Gao, ang fo-reign coach ni Diaz.
- Latest