^

PM Sports

Sira na ang career dahil sa game-fixing?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pumasok nga ba sa game-fixing case ang ilang manlalaro ng Centro Escolar U Scorpions?

Napangalanan na ang mga manlalarong allegedly ay nakisangkot sa bentahan ng laro na nangyari raw sa collegiate preseason event.

At minabuti pa ni CEU coach Derrick Pumaren na hindi na gamitin ang mga players na ito sa kampanya nila sa Filoil Flying V Preseason Cup at ga­no­on din sa PBA D-League.

May mga nagsasabing mukhang hindi maganda ang naging pag-handle ng CEU team sa kasong ito.

Dahil maselan at hindi naman daw sa D-League nangyari ang insidente, minabuti ni PBA Commissioner Willie Marcial na hands-off na lang sa kaso.

At press time, wala pang statement mula sa nagpapatakbo ng Collegiate Preseason Cup.

Sasarilinin na lang ba ng CEU ang paghawak sa ka­so na ito? Mapapatunayan ba ang alegasyon? O hahayaan na lang na masira na ang pangalan ng mga players na akusado sa game-fixing?

Mas maganda ang kauuwian ng kaso na ito kung mapapangalanan din ang nagpapatakbo ng benta­han na ito – kung mayroon nga.

Meanwhile, malamang na mauuwing karagdagang lamang ang pitong CEU Scorpions sa mga da­ting nasira na ang pangalan sa pagkakasangkot sa ka­parehong kaso.

Matagal ng usapin ang bagay na ito.

Talamak daw ito mula sa collegiate hanggang pro plays, pero laging hanggang doon na lang ang usa­pin.

*****

Nakakadalawang laro pa lamang ang Phoenix Pulse sa PBA Commissioner’s Cup, at dalawang hin­­di magandang eksena na rin ang kinasangkutan ni Fuel Master forward Calvin Abueva.

Mabigat ang banat na ibinigay ni Abueva kay Ter­rence Jones sa laro nila noong nakaraang gabi – bagay na maaring nakapagsimula ng free-for-all.

Dapat siguro ay medyo tigasan na ni PBA Kume ang hatol kay Abueva, para naman siya na mismo ang makapag-isip na dapat niyang rendahan ang kan­yang sarili.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with