^

PM Sports

May maaasahan sa SEAG Phl Boxers

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisigurado ni ABAP secretary-general Ed Picson na maaasahan ang national boxing team na magbibigay ng gintong medalya para sa Team Philippines sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Everything is going well. Maganda ang training ng mga boxers natin at talagang pursigido sila na manalo ng golds sa SEA Games,” sabi ni Picson, ang Alliance of Boxing Association of the Philippines (ABAP) secretary-general.

Ang boxing event ay mayroon ding kabuuang 13 gintong medalya, walo sa mga lalaki at lima sa mga babae sa darating na 2019 Sea Games. Ang Pilipinas ay humakot ng kabuuang walong ginto, apat na silvers at dalawang bronze medals noong 2005 nang idaos ang Sea Games dito sa bansa.

 “There are 13 events in the SEAG — eight in men and five in women’s divisions. Mahirap sabihin kung ilang gold me-dals ang kaya natin, pero nasa atin ‘yung homecourt advantage,” dagdag ni Picson.

Sinabi pa ni Picson na bukod sa Thailand at host Philippines, ang ibang malalakas na bansa na kasali sa boxing ay ang Vietnam at Indonesia kaya kailangan ng magandang preparasyon.

 “We can’t take them lightly. Madami na rin magagaling. Kung dati ‘yun SEA Games parang dual meet lang ng Philippines at Thailand, ngayon iba na. Malalakas na rin ‘yun mga kalaban, pati Indonesia at Vietnam at isa pang bansa,   sa abroad din nag-training,” pahayag ni Picson.

Magkakaroon pa umano ng series ng qualifying competitions bago mabubuo ang Philippine national boxing team sa Setyembre o sa Oktubre.

“Definitely, we’ll hold a series of qualifying competitions. We do not want to just handpick the members of the national team. Madami tayong magagaling na boxers ngayon. ‘Yung members ng Team B, nakikipagsabayan na ngayon sa Team A. Wala ng kuya-kuya,” pahayag ni Picson.

Kabilang sa mga inaasahang mapasama sa team ang mga malalakas na boksingero na sina Felix Marcial at Josie Gabuco matapos mag-uwi ng gintong medalya mula sa India Open. Siguradong kasama rin si Carlo Paalam, ang bronze medalist sa India Open.

vuukle comment

ED PICSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with