^

PM Sports

Sasali o papagitna sa POC issue?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naglabas na ng saloobin ukol sa gusot sa Phi-lippine Olympic Committee ang Malacañang na umayon kay POC president Ricky Vargas na magkasundo na muna ang lahat at i-focus ang atensyon sa parating na SEA Games hosting ng bansa.

Inaasahan din ang komunikasyon mula sa International Olympic Committee na sinulatan ni Vargas ukol sa katanungan niya kung nararapat ba ang ginawa ni IOC member Mikee Cojuangco-Jaworski na makisali sa gusot sa POC.

Sumama sa meeting ng pitong POC Executive Board members si Cojuangco-Jaworski sa pagbalangkas ng liham na nagmamandato sa POC president na sumagot sa kanilang mga katanungan ukol sa ilang issues sa POC. Kasama rito ang ultimatum sa pagsagot sa liham.

Hindi natapos doon ang papel ni Cojuangco-Jaworski dahil nagdesisyon din siya na maging signatory sa liham.

Karapat-dapat nga bang sumali si Cojuangco-Jaworski sa gusot o dapat bang mag-observe lang siya at pumagitna bilang IOC representative to the Philippines?

“She acted as daughter of Peping Cojuangco and not as IOC representative to the Philippines,” pahayag ng ilang tao sa POC.

Susog pa ng isang POC official: “Never ginawa ‘yan ni Frank Elizalde, ang long-time IOC representative to the Philippines.

Sana nga lamang ay humupa na muna ang intramurals at mangibabaw ang interest ng mga atleta at ng bansa lalo na at ayan na SEA Games.

Malalaman ang kasunod na kabanata sa nakatakdang regular POC board meeting sa June 13.

Kailangan ni Vargas ang approval ng board sa kanyang mga bagong appointments na papalit sa mga taong kanyang sinipa sa key POC positions.

Kasama sa nasipa si Peping Cojuangco bilang chairman ng POC Constitutional amendments committee, si Bob Bachmann (chairman ng POC membership committee), si Monsour del Rosario (SEA Games chef de mission), Joey Romasanta (2020 Tokyo Olympics chef de mission) at Charlie Ho (SEA deputy chef de mission).

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with