^

PM Sports

Gilas magte-training sa Spain

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itutuon ng Gilas Pilipinas men’s squad ang atensyon nito sa training camp sa Spain bilang bahagi ng paghahanda nito sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup ngayong Agosto sa China.

Ito ay ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio matapos ang special meeting niya kasama sina Commissioner Willie Marcial, Chairman Ricky Vargas at ang Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors kahapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Sinabi ni Panlilio na nagpasa na siya ng programa at iskedyul ng pag-alis ng Gilas Pilipinas patungo sa Spain kung saan sasalang sila sa puspusang ensayo.

Kasama rin sa itinerary ang mini tournament kung saan makakalaban nila ang Spain national team gayundin ang Ivory Coast at Congo.

Subalit sa ngayon, wala pang pinal na detalye kung kailan ang eksaktong pag-alis ng bansa lalo’t inaayos pa ng SBP ang PBA ang revision ng Commissioner’s Cup schedule upang ma-ging bakante ang mga national team players mula sa iba’t ibang koponan.

“Based on the schedule we (SBP) submitted to the PBA, ‘yun ang naka-calendar doon-- practice games and a mini-tournament in Spain for the Gilas Pilipinas team,” ani Panlilio na governor din ng Meralco sa PBA.

Ayon sa naunang plano ay kasali rin dapat ang Russia camp sa paghahanda ng Gilas Pilipinas subalit hindi na ito matutuloy.

Isang tune-up game lang kasi ang maipapangako ng Russian Basketball Federation sa pangunguna ng dating NBA player at ngayon ay pinuno ng pederasyon na si Andrei Kirilineko para sa Gilas Pilipinas.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with