Ex-pros magbabalik-aksiyon sa UNTV Cup PBA Legends Face-Off
MANILA, Philippines — Magbabalik-aksiyon ang mga le-gends ng Philippine Basketball Association sa gaganaping month-long tournament na inorganisa ng UNTV simula sa Sabado sa Pasig City Sports Center.
Babansagang UNTV Cup PBA Legends Face-Off ang naturang torneo na lalahukan ng apat na makasaysa-yang prangkisa na San Miguel, Alaska, Purefoods at Ginebra kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa PBA Legends Foundation.
Ito na ang ikaapat na charity event ng UNTV katuwang ang PBA Le-gends Foundation buhat nang simulan ito para matulungan ang SMB legend na si Samboy Lim noong 2015.
Noong 2017, naglaan ang public service advocate at UNTV Cup Founder na si Daniel Razon ng P1 milyon na seed money para sa PBA Legends Foundation na may mis-yong matulungan ang mga retirado at maysakit na PBA players.
Nasundan ulit ang charity event ng UNTV at PBA Legends Foundation sa pagdaraos ng PBA Legends Charity Gold Tournament para sa mga dating manlalaro na sina Joey Mente at Johnny Revilla.
Nitong Pebrero lang ay itinanghal ang pinakamalaking event na ‘The Return of the Rivals’ sa Smart Araneta Coliseum kung saan naglaban ang magkaribal na Purefoods at Ginebra gayundin ang San Miguel at Alaska.
Katulad ng PBA Legends ‘Return of the Rivals’ na nakalikom ng P3 mil-yon na napunta rin sa PBA Legends Foundation, parehong mga manla-laro ang bibida sa Face-Off tourney sa pangunguna nina Allan Caidic, Ato Agustin, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at Olsen Racela ng Beermen.
Gigiyahan naman nina Johnny Abarrientos, Willie Miller, Kenneth Duremdes, Bong Hawkins, Jeffrey Cariaso at Jojo Lastimosa ang Alaska, sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Bong Ravena, Dindo Pumaren at Ro-ger Yap sa Purefoods habang sina Jayjay Helterbrand, Bal David, Pido Ja-rencio, Vince Hizon, Marlou Aquino at Rudy Distrito sa Ginebra. (JBU)
- Latest