^

PM Sports

Parks tumataK agad ang pangalan sa PBA

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa patuloy na pananalasa ni Bobby Ray Parks, umukit agad siya ng marka sa PBA bilang unang rookie sa loob ng dalawampu’t-dalawang taon na umiskor ng at least 20 points sa kanyang unang tatlong laro sa local pro league.

Hindi ito nagawa nina Asi Taulava, Eric Menk, Danny Seigle, Willie Miller, Mark Caguioa, James Yap at kahit na ni June Mar Fajardo.

Ang huling PBA rookie na nakagawa ng kaparehong marka ay si Andy Seigle noong 1997 sa kanyang koponang Mobiline, ayon sa tala ni PBA stats chief Fidel Mangonon.

Nagtahi ng 20-point effort, 28-point game at 23-point production si Parks sa kanyang unang laro sa PBA dahil kumpiyansa at beteranong-beterano na ang kilos – walang duda dahil sa experience na na­kuha sa paglalaro sa NBA D-League, sa Gilas Pilipinas at sa ABL.

Siya ay isang rookie na matindi ang tahid sa edad na 26.

At dahil sa magandang chemistry kina import Alex Stepheson at key locals Mac Belo, Mike Di­gre­gorio, Allein Maliksi, Roi Sumang at iba pa, su­magitsit sa maagang pag-arangkada paitaas ng team standings ang Blackwater Elite.

Isang panalo pa at tatablahan na nila ang franchise best start ng Blackwater sa isang conference.

Hindi biro ang mga nilusutan na ng Blackwater. Una nilang pinadapa ang Meralco (94-91 OT), sumunod ang Ginebra (108-107 OT) at pagkatapos ay Columbian Dyip (118-110).

Ang kuwestiyon ay kung masu-sustain ba ng Blackwater ang arangkada at kung makakahabol ba si Parks sa Rookie of the Year race gayong na-miss niya ang Philippine Cup?

Nakuwenta na ni stats chief Fidel ang mga numero, at ayon sa kanya, kailangan ni Parks na lumaro ng 26 games sa season upang mapasali sa ROY derby.

Kung 22 games ang siguradong lalaruin ng Blackwater sa elims ng Commissioner’s Cup at Go­vernors Cup, ibig sabihin ay kailangan nilang uma­­bot ng malalim sa playoffs para magka-tsansa si Parks na abutin ang 26 games.

Otherwise, mananatiling three-way fight ang ka­rera sa pagitan nina CJ Perez, Robert Bolick at Javee Mocon.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with