^

PM Sports

EJ magbabalik-aksyon para sa Tornadoes sa PSL All-Filipino Cup

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang dala­wang taon na pamamahi­nga ay magbabalik-ak­syon na si EJ Laure para sa Foton Tornadoes sa paghataw ng 2019 Phi­lip­pine Superliga All-Fi­­lipino Conference na magsisimula sa susunod na buwan.

Pormal nang iniha­yag ng Tornadoes ang muling pagpasok ni Laure sa koponan ka­sama ang tatlo pang ba­gong miyembrong si­na University of the Phi­lippines standouts Jus­tine Dorog at Marian Buitre, at UAAP Season 81 Best Setter Lai Bendong ng University of the East.

Makakasama ng tatlo ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong galing sa overseas stint sa Japan Volleyball League.

Nasa line-up din ng Tornadoes sina Maika Or­tiz, Ivy Perez, Christine Joy Rosario, Mina Aga­non, Jen Reyes, Iu­mi Yongco, Carla San­do­val, Shaya Adorador, Elaine Kasilag at Gen Ca­sugod.

Huling nakitang nag­laro ang UAAP Season 77 Rookie of the Year awardee na si Laure no­ong 2017 PSL Grand Prix kung saan tumapos sa ikatlong puwesto ang Tornadoes.

Nagpahinga si Laure upang magpagaling ng kanyang shoulder injury na matagal din niyang ininda.

Sa pagbabalik ni Lau­re sa court ay inaa­sa­hang maglalaro na ulit siya para University of Santo Tomas sa Season 82 ng UAAP kasama ang nakababatang ka­­pa­tid na si Eya – ang Sea­son 81 Rookie of the Year at Second Best Out­side Hitter.

Malaking tulong si EJ dahil magtatapos na ang playing year ni UAAP Season 81 MVP at First Best Outside Hitter Sisi Rondina.

vuukle comment

EJ LAURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with