^

PM Sports

Beermen hari pa rin ng Philippine Cup

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sadyang hindi matata­waran ang puso ng isang kampeon.

Bumangon ang nag­de­­depensang San Miguel mula sa 17-point deficit sa third quarter para ta­lu­­nin ang Magnolia sa Game Seven, 72-71, at pag­­harian ang 2019 PBA Philippine Cup Finals ka­­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Tuluyan nang isinara ng Beermen ang kanilang best-of-seven championship showdown ng Hotshots sa 4-3.

“Ito ay para sa lahat ng mga fans ng basketball,” sa­bi ni head coach Leo Austria.

Kumolekta si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 31 rebounds, 17 points, 2 steals at 2 blocks.

Ito ang pang-limang su­­­nod na All-Filipino crown ng San Mi­guel at ang ika-26 sa kabuuan sa 41 championship stint.

Nabigo naman ang Mag­nolia na makamit ang kanilang back-to-back title matapos pag­ha­rian ang 2018 PBA Go­vernor’s Cup.

Mula sa maliit na 24-20 abante sa first quarter ay naghulog ang Hotshots ng 14-3 bomba para ilista ang 15-point lead, 38-23, laban sa Beermen sa 2:37 minuto bago ang halftime.

Pinuwersa ng Magno­lia ang San Miguel sa 18 turnovers sa first half kung saan umiskor si Ian Sangalang ng 13 points.

Lalo pang pinalobo ng Hotshots ang kanilang kalamangan sa 43-26 sa pagsilip ng third period mula sa three-point shot at finger roll ni Mark Barroca.

Saglit na nakalapit ang Beermen sa 43-49 bu­­hat sa pinakawalang 17-6 atake sa huling 2:23 minuto bago agawin ang unahan sa 72-71 mula sa fade away ni Alex Cabag­not sa huling 57.2 segundo ng laro.

Dalawang beses nagkaroon ng tsansa si Jio Ja­lalon na maipanalo ang Hotshots.

Ngunit sa huli ay na­mayani ang eksperyensa ng San Miguel.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with