^

PM Sports

‘Do-or-die’ game ng Nuggets at Blazers magiging maaksyon

Pang-masa

DENVER -- Si Paul Millsap ang tumatayong pi­nakabeterano sa hanay ng mga bagitong Nuggets.

Inamin niyang naiinis siya sa karibal na Portland Trail Bla­zers.

“I’m sure they feel that way, too,” wika ni Millsap sa pagsagupa ng Denver laban sa Portland sa Game Seven ng kanilang Western Conference semifinal showdown.

Ang mananalo ang aabante sa conference finals pa­ra hamunin ang two-time reigning champion na Gol­den State Warriors, sinibak ang Houston Rockets, 4-2, sa kanilang semifinals wars.

Nakatakda ang Game One sa Martes sa tahanan ng mga Warriors sa Oakland, California.

Nagsagupa ang Nuggets at Blazers ng 10  beses sa regular season at playoffs.

Tumabla ang Portland sa Denver sa 3-3 sa ka­ni­lang best-of-seven semifinals series matapos kunin ang 119-108 panalo sa Game Six noong Huwebes.

Nakagirian nina Blazers back-up center Zach Collins at point guard Seth Curry si Nuggets guard Will Barton sa nasabing laro.

“I’m not going to try to justify that as a way for us to play hard or wake us up,” ani Barton sa nasabing insidente. “I just feel like it’s being competitive, it’s playoff basketball, some things are going to happen. If we’re all out there just being friendly, it ain’t gonna look like nobody’s trying to win, huh?”

Inaasahang kokontrolin ng magkabilang kopo­nan ang kanilang mga emosyon sa pinakahuli nilang pagtutuos sa season.

Sa panalo ng Portland sa Game Six ay kumamada sina starting backcourt Damian Lillard at CJ McCollum ng 32 at 30 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag naman si Rodney Hood, ang bayani sa kanilang 140-137 tagumpay sa Game Three, ng 25 markers mula sa bench.

Pipilitin nilang limitahan si Denver star center Ni­kola Jokic, may mga averages na 26.8 points, 14 rebounds at 8.7 assists sa serye.

Kung mapapatahimik ng Blazers si Jokic ay inaa­sa­han namang sasandal ang Nuggets kina Jamal Murray at Millsap na nagposte ng 24.7 points at 18.7 points per game, ayon sa pagkakasunod.

Bagama’t may pinakabatang roster sa playoffs ay mas marami namang Game Seven experience ang Denver kumpara sa Portland.

Sinibak ng Nuggets ang San Antonio Spurs sa Game Seven sa first round, samantalang sumalang na­man ang Blazers sa winner-take-all matchup.

“Somebody’s got to go home, somebody’s got to go to Cabo,” wika ni McCollum.

vuukle comment

BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with