Bicol bagong tropa sa MPBL
GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Ang probinsya ng Bicol ang ika-27 miyembro ng Maharlika Pilipinas Basketball League.
Pormal na inaprubahan ng mga MPBL league officials ang pagpasok ng mga Volcanoes ni head coach Monel Kallos para sa regional amateur basketball league.
Umaasa naman ang Iloilo na mapapabilang din sa MPBL.
Hiniling ng Bicol na magkaroon sila ng 10 home games sa darating na season na magsisimula sa Hunyo 12 sa Mall of Asia Arena, ayon kay Commissioner Kenneth Duremdes.
“OK iyan, as long as they will provide buses for the delegation and hotel accommodation, of course,” sabi ni Duremdes.
Inaprubahan din ng mga league officials ang pag-entra ng bagong management group na mamamahala sa Pasig Pirates.
- Latest