^

PM Sports

Gilas sasagupa sa Spain sa tune-up game

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Gilas sasagupa sa Spain sa tune-up game
Si coach Yeng Guiao sa isang ensayo ng Gilas Pilipinas.

MANILA, Philippines – Dagdag na tune-up game kontra sa Spain ang tinitingnang posibilidad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa paghahanda ng Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup sa Agosto.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, isa ang Spain sa mga bansang nag-imbita sa kanila pa­ra sa friendly games upang makapagprepara sa nasabing world basketball championship na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15 sa China.

“We actually have ma­ny invites from other teams but we’re looking at Spain for potential friendlies,” ani Panlilio.

“We’re organizing that now. I hope we can fi­nalize that in the next few days,” dagdag pa ng SBP chief.

Bukod dito, nauna nang inanunsyo ng SBP ang training camp ng Nationals sa Russia na magsisilbing final build-up nila para sa FIBA World Cup.

Ayon pa kay Panlilio, kasalukuyan niyang isinasapinal ang naturang Russian stint kay da­ting NBA player Andre Kirilenko na ngayon ay siyang pinuno ng Russian Basketball Federation.

“I’m in touch with AK. He wants us to go to Russia,” ani Panlilio na team governor din ng Meralco sa PBA Board. “Initially, it was just a one game trip but they’re willing to expand it to two games.”

Sa kalagitnaan ng Agosto bago mismo ang FIBA World Cup ay nakatakda ang Russian camp ng Gilas Pilipinas kung saan libre na ang lahat ng manlalaro bunsod ng pagtatapos ng 2019 PBA Commissio­ner’s Cup na nakatakda sa Mayo 19.

Kahit naman idina­raos ang nasabing mid-season con­ference ng PBA ay sasalang na ang Nationals sa maagang training camp si­mula Hunyo matapos makakuha ng basbas sa PBA Board of Governors noong nakaraang bu­wan.

Sa Hulyo naman ina­asahan ng Gilas Pilipi­nas ang pagdating ni naturalized player Andray Blatche para samahan ang kanyang mga teammates.

Ang mga paghahan­da ay inaasahang magi­ging ma­laking tulong sa Gilas Pilipinas na mapa­palaban sa Group D ng 32-team FIBA World Cup kontra sa Serbia, Italy at Angola.

Sa kabilang banda ay inamin ni Panlilio na hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kaso ni Fil-Am NBA player Jordan Clarkson na makapaglaro bilang local player sa bansa.

“No update yet but we’re working on it,” sabi ni Panlilio.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with