^

PM Sports

Dawn ayaw nang mag-teleserye

Nitz Miralles - Pang-masa
Dawn ayaw nang mag-teleserye
Dawn Zulueta

MANILA, Philippines — Sa June or July pa ang playdate ng Family History, pero sinimulan na ang promotion ng pelikula na first directorial job ni Michael V., na siya ring leading man. Tapos na ang shooting ng movie at habang nasa post-production stage, start na rin ng promo.

Pinost ni Dawn Zulueta sa kanyang Instagram (IG) account ang mga litrato niya nang mag-taping ng Bubble Gang. May litrato si Dawn kasama sina Michael V., Valeen Montenegro, Kim Domingo, Archie Alemania, Chariz Solomon, Lovely Abella at Boy 2 Quizon.

Sa isa pang photo, kasama ni Dawn ang majority sa cast at lahat nakangiti. Nag-comment si Valeen ng “So nice having you on the set!” na sinundan ni Kim ng “super down to earth natulala ako nung makita kita Ms. @dawnzulueta. Godbless.”

Pati si Betong Sumaya, nagpahayag ng tuwa nang makita ng personal si Dawn at nangyari lang ang muli niyang pag-apak sa GMA Network, nung storycon at ngayon, sa taping ng Bubble Gang.

Nabanggit ni Dawn sa isang interview na iniiwasan niyang gumawa ng soap dahil sa mahabang oras ng taping, bukod sa hindi makatulog ng maayos, wala raw buhay ang mga artistang may show.

Bianca at Migo malakas ang dating

Ipinakilala si Bianca Umali as the newest image model and endorser of Xcess Salon, owned by Federico Moreno, the son of the late German Moreno. Bianca follows Carla Abellana and Barbie Forteza as the two early endorsers.

Sa tanong kung bakit si Bianca ang kinuha niyang endorser? “She’s very beautiful, mabait, at professional,” ang sagot ni Federico. Idagdag pa na maganda at sexy ang bago niyang image model/ endorser.

Bukod sa XCess Salon, endorser na rin ng Colgate si Bianca na sinabing hindi niya ini-expect mapasama sa Colgate Family.

Samantala, nagulat si Bianca na tinanggap ng Kapuso viewers ang tambalan nila ni Migo Adecer sa Sahaya. Ang comment ng viewers, ang lakas ng chemistry nila at bagay silang dalawa. May nag-request ngang sina Bianca at Migo na lang ang pagtambalin at sina Miguel Tanfelix at Ash Ortega.

Lalo pa sigurong lalabas ang chemistry ng dalawa kung close sila as co-star. Sabi ni Bianca, sa taping lang sila nagkikita at nagkakausap na dalawa.

Sa mga pumuri sa Sahaya, itinuro ni B­ianca ang GMA-7, si director Zig Dulay at ang production nito na nag-i-effort na pagandahin ang Sahaya.  

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with