^

PM Sports

Pang-22 overall ng NCR

Francisco Cagape - Pang-masa

2019 palarong Pambansa

DAVAO City, Philippines — Tuluyan nang itinakas ng powerhouse National Capital Region ang kanilang ika-22nd overall championship trophy sa kanilang kabuuang 86 gintong medalya, 71 silver at 56 bronze medals sa pagtatapos ng 2019 Palarong Pambansa sa University of the Philippines-Mindanao Sports Complex dito.

Karamihan ng mga ginto ng NCR ay mula sa medal-rich swimming kung saan humakot sila ng 35 sa kabuuang 70 events sa aquatic. Ang iba ay sa athletics, archery, arnis, gymnastics, sepak takraw, lawn tennis, taekwondo, tennis, basketball at volleyball.

Pumapangalawa naman ang Calabarzon sa 66-49-73 at ikatlo ang Western Visayas sa 49-40-58 kasunod ang Soccsargen (26-43-40) at Central Visayas (24-22-33).

Sa elementary division competition, pumapa-ngalawa lamang ang NCR sa 19-27-22 haul sa likuran ng nangungunang Calabarzon na nakakuha ng 29-19-24, ngunit bumawi naman ang NCR sa high school division sa kanilang 67-44-34 tally habang 37-30-49 lamang ang Calabarzon.

Samantala, kabuuang 32 bagong records sa 62nd edisyon ng prehistiyosong kumpetisyon. Ito na ang may pinakamaraming bagong meet records na narehistro sa isang edisyon simula noong 1948.

Kabilang sa mga bagong meet records ay sa swimming na mayroong 18,  10  sa athletics at apat sa archery.

Pinangunahan ni Nicole Marie Manalac ng NCR ang mga bagong record holders sa archery mula sa secondary girls 40-m event matapos umani ng 331 puntos.

 

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with