Bagong record sa Western Visayas swimmer
2019 Palarong Pambansa
DAVAO CITY, Philippines — Tatlong araw pa lamang, 16 panibagong meet records na ang naitala, pito mula sa athletics, walo sa swimming at isa sa archery sa 2019 Palarong Pambansa sa University of the Philippines-Mindanao Aquatic center at University of Mindanao Athletics oval dito.
Nangunguna si Alexi Kouzenye Cabayaran ng Western Visayas sa mga bagong record holders sa swimming sa kanyang dalawang bagong naitala matapos magwagi sa ele-mentary girls 100-m freestyle kahapon sa oras na 1:02.25 na lumampas sa dating 1:02.28 ni Jules Catherine Ong ng NCR noong 2015. Ang unang bagong record ng 12-an-yos na si Cabayaran ay sa 200-m freestyle (2:15.76) noong Martes.
Ang iba pang mga bagong record holders ng medal-rich swimming ay sina Micaela Jasmine Mojdeh ng NCR sa se-condary girls 200m butterfly (2:22.69), ang Central Luzon elementary girls relay team sa 200m medley relay (2:13.41) at Xiandi Chua ng NCR sa secondary girls 200m IM (2:23.86) na bumura sa dating 2:25.66 ni Althea Lim ng Western Visayas noong 1998.
Hawak na rin ni Ken Jordan Lobos ng Calabarzon ang bagong record sa secondary boys 200m breastroke (2:26.77) habang record holder din si Philip Joaquin Santos ng NCR sa secondary boys 200m individual medley (2:12.58).
Sa athletics naman, nagtala si John Mike Lera ng Northern Min-danao ng bagong records sa secondary boys long jump (7.39-m), Trexie De la Torre sa secondary girls long jump (5.84-m), Jamela De Asis ng Western Visayas sa secondary girls shotput (12.3-m), Hazel Domocum ng Soccsargen sa elementary girl’s long jump (5.08-m).
Nagrehistro rin ng panibagong records sina Jasmin Bombita ng Bicol Region sa secondary girls triple jump (12.46-m), Jerry Vasquez ng Central Luzon sa secondary boys 3,000-m steeplechase (9:37.23) at iba pa.
- Latest