^

PM Sports

Bago ang import ng Alaska

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagong mukha sa katauhan ni Chris Da-niels ang magsisilbing import ng Alaska para sa paparating na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Dumating na sa bansa ang 6’9 na si Daniels noong nakaraang linggo para sa maagang paghahanda ng Aces sa mid-season conference na sisiklab na sa Mayo 19.

Produkto ng Texas A&M si Daniels na bagama’t naging undrafted rookie noong 2008 NBA Draft ay maraming karanasan na maitutulong sa Aces.

Naglaro si Daniels sa NBA G-League para sa mga koponang Erie Bayhawks, Sta. Cruz Warriors at sa Rio Grande Valley Vipers na tinulungan niyang magwagi ng kampeonato noong 2013.

Maraming bansa na rin ang napaglaruan ng 35-anyos na beterano tulad ng Korea kung saan siya naging resident import sa limang koponan sa Korean Basketball League kabilang na ang Jeonju KCC Egis at Anyang KGC na tinulu-ngan niya ring manalo ng championship.

Naging reinforcement na rin si Daniels sa Puerto Rico, China at Jordan.

Huli siyang nag-laro para sa Al Riyadi sa Lebanese Basketball League kung saan nagrehistro siya ng 12.3 puntos sa 61.3 field goal shooting sahog pa ang 7.6 rebounds, 1.3 assists at 1.0 block.

Sasamahan ngayon ni Daniels si Kyle Baron bilang bagong import sa Commissioner’s Cup na gigiyahan ng mga balik-PBA imports.

Ito ay ang mga da-ting Best Imports na sina Justin Brownlee para sa Ginebra, Charles Rhodes para sa San Miguel Beer at Rob Dozier para sa Phoenix kasama ang iba pang nagbabalik imports na sina Alex Stephenson para sa Blackwater at Tony Mitchell para sa NLEX.

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with