^

PM Sports

Mas determinado na ngayon ang Phoenix

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas matayog na lipad ang hangarin ng Phoenix Pulse matapos sa wakas ay magkaroon ng playoff experience sa katatapos lang na kampanya nila sa 2019 PBA Philippine Cup.

Gagamiting sandata ng Fuel Masters sa misyong iyon ang lahat ng natutunan nito sa All Filipino Conference kung saan umukit sila ng maraming kasaysayan sa kanilang prangkisa.

Matapos kasing mamroblema sa mga unang taon nila simula nang pumasok sa PBA noong 2016, sa wakas ay nakaahon ang Phoenix ngayon nang ma-nguna sa Philippine Cup elimination round hawak ang impresibong 9-2 kartada.

Nasikwat din nila ang unang playoff series win sa franchise history upang makapasok din sa una nilang semifinals appearance kontra San Miguel Beer.

Bagama’t kinapos kontra sa Beermen sa limang laro, 1-4 ng kanilang best-of-seven semifinal series, buo ang tiwala ni head coach Louie Alas na matututo sila doon at magiging mas magaling na koponan sa mid-season conference.

“SMB is a strong team. Ang hirap talunin n’yan,” ani Alas. “Medyo short kami pero marami kaming natutunan dito.”

Dahil sa karanasang naipon, hangad ulit ng Phoenix ang Final Four appearance sa Commissioner’s Cup lalo’t parehong core nina Calvin Abueva, Jason Perkins, Matthew Wright, LA Revilla, JC Intal, RJ Jazul, Doug Kramer at Justin Chua ang mangunguna sa kanilang atake.

“So kailangan next conference ganito pa rin yung goal namin kasi pag nag-set ka ng goal, dapat hindi bumababa. At least mapantayan ito or ma-surpass mo,” dagdag ni Alas.

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with