^

PM Sports

SMBeer lalapit, Magnolia nakatabla

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos mahulog sa 0-2 ay dalawang sunod na panalo ang inilista ng Magnolia para tablahan ang Rain or Shine.

Nalampasan ng Hotshots ang pagbangon ng Elasto Painters mula sa 21-point deficit para itakas ang 94-91 panalo sa Game Four ng kanilang semifinals showdown sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Hindi kami nag-give up, naniwala kami sa isa’t isa,” sabi ni Ian Sangalang, nagposte ng 19 points, 10 rebounds at 2 assists sa 2-2 pagtabla ng Magnolia sa kanilang best-of-seven semis duel ng Rain or Shine.

Ipinoste ng Hotshots ang 54-33 abante laban sa Elasto Painters mula sa da-lawang free throws ni Mark Barroca sa huling 1:46 minuto ng second period.

Napatalsik si Rain or Shine coach Caloy Garcia sa huling 1:43 minuto ng third quarter dahil sa kanyang ikalawang technical foul na nagresulta sa foul shot ni Paul Lee para sa 76-59 bentahe ng Magnolia.

Subalit nakabawi ang Elasto Painters at nakalapit sa 91-92 galing sa basket ni Maverick Ahanmisi sa huling apat na segundo sa fourth quarter.

Isinalpak naman ni Jio Jalalon ang dalawa niyang charities sa nala-labing 3.1 segundo para ibigay sa Hotshots ang 94-91 abante.

Samantala, muling pipilitin ng Beermen na makuha ang ikatlong panalo sa pagsagupa sa Fuel Masters ngayong alas-7 ng gabi sa Game Four ng kanilang semis wars sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Inilusot ng Phoenix ang 92-90 panalo kontra sa San Miguel sa Game Three sa likod ng kaba-yanihan nina Matthew Wright at Calvin Abueva, umiskor ng tig-16 points.

“Siguro, bottom line ng winning is iyong toughness,” wika ni Fuel Masters mentor Louie Alas. 

vuukle comment

LEO AUSTRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with