^

PM Sports

Puro na ang Houston

Pang-masa
Puro na ang Houston
S James Harden ng Houston laban kay Donovan Mitchell ng Utah.

SALT LAKE CITY — Isang pana-lo na lamang ang kailangan ng Houston Rockets para tuluyang walisin ang Utah Jazz.

Umiskor si James Harden ng 14 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para tulungan ang Rockets na angkinin ang 104-101 panalo laban sa Jazz sa Game Three at iposte ang 3-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.

Nagsalpak si Harden ng isang three-pointer at dalawang free throws sa hu-ling 42.4 segundo na nagbigay sa Houston ng 101-97 kalamangan sa Utah.

Matapos ang dalawang charities ni Donovan Mitchell para sa Jazz ay imi-nintis naman ni Harden ang isang 3-point attempt ngunit nahablot ni P.J. Tucker, tumapos na may 12 points at 10 rebounds, ang rebound sa panig ng Rockets.

Nakahugot si Tucker ng foul at kumonekta ng isa sa dalawa niyang free throws.

Nabigo naman si Donovan Mit-chell, kumamada ng 34 points, na maipasok ang libreng triple sa huling po-sesyon ng Utah.

Nauna nang naimintis ni Harden ang una niyang 15 shots para sa Houston, maaari nang wakasan ang serye sa Game Four sa Lunes.

Sa Detroit, tumipa si Khris Middleton ng 20 points para akayin ang Milwaukee Bucks sa 119-103 panalo at ilista ang 3-0 kalamangan sa kanilang first-round series.

Puwede nang tapusin ng Milwaukee ang kanilang Eastern Conference series ng Detroit sa Game Four sa Lunes.

Nalampasan ng Bucks ang hinakot na 27 points, 7 rebounds at 6 assists ng nagbalik na Pistons star forward na si Blake Griffin, nagmula sa right knee injury kaya hindi nakalaro sa Games One at Two.

Nagdagdag sina Brook Lopez at Eric Bledsoe ng tig-19 points para sa Milwaukee, nakahugot kay Giannis Antetokounmpo ng 14 points at 10 rebounds.

Kumolekta naman si Andre Drummond ng 12 points at 12 rebounds para sa Detroit.

Sa New York, nagsabit si Joel Embiid ng 31 points at 16 rebounds habang kumonekta si Mike Scott ng go-ahead 3-pointer sa huling 18 segundo para pamunuan ang 112-108 panalo ng Philadelphia 76ers kontra sa Brooklyn Nets sa Game Four at angkinin ang 3-1 abante sa kanilang serye.

Nag-ambag si Tobias Harris ng 24 points, 8 rebounds at 6 assists para sa 76ers, hangad ang kanilang ikalawang sunod na Eastern Conference semifinals stint.

Sa San Antonio, kumolekta si Nikola Jokic ng 29 points at 12 rebounds at nagdagdag si Jamal Murray ng 24 points para banderahan ang Denver Nuggets sa 117-103 tagumpay sa Game Four at itabla ang kanilang serye sa 2-2.

Humakot si LaMarcus Aldridge ng 24 points at 9 rebounds para sa San Antonio, nakakuha kay DeMar DeRozan ng 19 points.

vuukle comment

HOUSTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with