^

PM Sports

Señor Lucas nangunguna

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Base sa Dividendazo records mula Enero hanggang Marso 2019, nangunguna ang kabayong Señor Lucas sa listahan ng may pinakamaraming panalo.

Nakapagtala ang Señor Lucas ng pitong panalo at isang tersero sa siyam na takbo habang nasa pa­ngalawa ang Mighty Bon na nagrehistro ng limang panalo at dalawang segundo sa siyam na salang din.

Limang panalo din ang More Stripes na inupuan ang pangatlong puwesto, may isang segundo sa siyam na laban.

Isa sa mga impresibong panalo ng Señor Lucas ay ang “Team Be Nice - Sota Cup” (PHILRACOM RBHS - Class 3) noong Marso 24, 2019 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Bumandera ang Señor Lucas, napatungan ng segundo liyamadong si Eli Brassous sa huling 100 metro ng laban subalit naging matatag ang winning horse at nauna pa rin ito sa meta.

“Magaling talaga yan si Señor Lucas. Ang ganda ng kanyang training  pero bihira itakbo. Pero halos puro panalo kapag rumampa sa pista,” saad ni Louie Aguila sa karerista.

Ang mga nasa top 10 ay ang No. 4 ay ang Trust Me (5 wins, 7-runs)  No. 5 ang Jade Masters (4-pa­nalo at 3-segundo sa pitong takbo) No. 6 na Dragon Butterfly, (4w, 2 second - 6 runs), No. 7 Hamlet, (4w, 2 second - 6r), No. 8 Summer Romance, (4w, 1 second, 1 third - 6r),  No. 9 Spin Move, (4w, 1, 1 - 13r) at No. 10 Certain To Win, (4w, 1 second - 6r).

Namamayagpag naman sa unahan si dating Philippine Sporstwriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce na nakalikom ng 37 na panalo, 28 na segundo at 23 na tersero sa 159 na sakay.

Pangalawa sa top 10 jockeys si CP Henson na may 31 panalo, 16 2nd, 21 3rd sa 176 rides habang ang reigning PSA, J-O-Y, O’Neal P Cortez ay nasa pangatlo na nilista ang 28 panalo, 35 na segundo at 25 na tersero sa 189 na pagrerenda.

Pasok sa listahan sina apprentice rider PM Cabalejo, (28w, 29, 22 -173 rides), CS Pare, (28, 20, 21 - 189r), Jericho Serrano, (24, 17, 16 - 146r), MB Pilapil, (24, 15, 17 - 126r), Kelvin Abobo, (23, 21, 21 - 96r) JA Guce, (21, 15, 7 - 88r) at Rodeo Fernandez, (18, 12, 9 - 93r) ayon sa pagkakasunod.

Maraming nagtatakang karerista kung bakit wala sa listahan ang star jockey na si Jonathan Hernandez at ibang class A riders tulad nina Fernando “Dunoy” Raquel at Val Dilema.

Ayon sa mga karerista na nakatutok palagi sa mga laban ng mga kabayo, halos iilan lang ang sinakyan ni Hernandez sa unang tatlong buwan ng 2019 kaya hindi nakasama kahit sa top 20 jockeys.

Samantala, naniniwala naman ang mga panatiko ni Cabalejo na magiging Class A rider ito dahil sa dami na ng mga naipapanalong laban.

vuukle comment

SEñOR LUCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with