^

PM Sports

San Juan lumapit sa titulo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilampaso ng host San Juan Knights ang bisitang Davao Occidental Tigers, 67-64 para umangat sa 2-1 bentahe sa best-of-five National Finals series sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Martes ng gabi sa jampacked na FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nagpasiklab si Ryan Michael Ayonayon ng 15 puntos, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang steals upang burahin ang 1-1 pagtatabla sa serye. Sa kanilang malaking panalo, asam ngayon ng Knights ni da-ting Sen. Jinggoy Estrada na tapusin ang Finals series sa kanilang muling paghaharap sa Game 4 sa Lunes sa kanilang homecourt pa rin.

Nanalo ang San Juan sa Game 1 (84-74) noong Abril 11 bago yumuko sa Tigers (60-67) sa Game 2 noong Abril 13 kaya inaasahang pipigilan ng Knights  na makabalik pa ang serye sa teritoryo ng Davao sa Game 5 na nakatakda sa Abril 25.

Bukod kay Ayon Ayon tumulong din ng 12 puntos at pitong rebounds si John Wilson habang si Jhonard Clarito ay tumapos din ng 12 puntos kabilang na ang isang lay-up para muling itabla ang laro, 64-64 sa huling 55 segundo ng laro.

Si Clarito ay humataw din sa kanyang ikatlong double-double sa kanyang 17 rebounds, dalawang assists, tatlong steals at dalawang blocks para umusad ang tropa ni coach Randy Alcantara sa isang hakbang tungo sa pag-angkin sa kanilang ikalawang kampeonato, kasunod sa Metropolitan Basketball Association tiitle noong 2000.

Hindi rin nagpahuli si Mac Mac Cardona at tumulong din ng siyam na puntos, dalawang rebounds, tatlong assists at dalawang steals at walong puntos na may kasamang pitong rebounds at isang assist mula kay Larry Rodriguez.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with