^

PM Sports

Phl 3x3 mapapalaban sa FIBA World Tour Masters

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makikilatis ngayon ang dalawang koponang pambato ng Pinas sa pakikipagbuno nila kontra sa pinakamagagaling na 3x3 ball clubs sa mundo sa gaganaping FIBA 3x3 World Tour Masters sa Doha, Qatar.

Ito ay ang Pasig Chooks at Balanga Chooks na nakapasok sa naturang torneo matapos magpakitang-gilas sa FIBA-sanctioned 3x3 tournaments sa nakalipas na buwan.

Nakasikwat ng tiket sa World Tour ang Pasig matapos pagharian ang Chooks Pilipinas 3x3 Pre-sident’s Cup habang sumegunda naman sa FIBA-Chooks Asia-Pacific Super Quest ang Balanga upang makapasok din sa international stage.

Babandera para sa Pasig sina Filipino-American sensations Taylor Statham at Joshua Munzon na siyang numero uno ngayon sa Philippine 3x3 rankings.

Aalalay naman sa kanila ang dalawang imports na sina Nikola Pavlovic ng Serbia at Angelo Tsa-garakis ng France.

Kilala si Pavlovic bilang dating miyembro ng Novi Sad na siyang may hawak ng pinakamara-ming 3x3 titles sa mundo at kasalukuyang No.2 sa world rankings.

Nahulog sa Pool A, sisimulan ng Pasig ang group phase campaign nito kontra sa home squad na Katara ng Qatar ngayong alas-10 ng gabi bago magpatuloy kontra sa world no.1 3x3 club ngayon na Liman ng Serbia sa 12:25 ng madaling araw.

Sa kabilang banda, tatrangko naman para sa Bataan ang UAAP stalwarts na sina Alvin Pasaol ng UE at Santi Santillan ng La Salle.

Makakasama nila ang dating PBA player na si Karl Dehesa gayundin ang American import na si Travis Franklin.

Masusubok sila sa Pool C kung saan makakalaban nila ang Risa Ghettoo ng Latvia sa 9:50 ng gabi gayundin ang Moscow Inanomo ng Russia sa 11:35 ng gabi.

Ito ang unang beses sa loob ng apat na taon na magbabalik sa World Tour ang Pinas matapos pumang-anim sina Calvin Abueva, Vic Manuel, Troy Rosario at Dehesa ng Manila North noong 2015.

Hangad din ng Pinas na makalikom ng mas marami pang 3x3 points sa World Tour na makakatulong sa kanilang makaabante sa 2020 Olympics sa Tokyo kung saan ipakikilala ang 3x3 bilang medal sport sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with