Balkman babalik sa San Miguel
MANILA, Philippines — Bukas si Renaldo Balkman na magsilbing import ulit ng San Miguel Beer sa nalalapit na 2019 PBA Commissioner’s Cup sa susunod na buwan.
Ito ang sinigurado ng resident import matapos sumuporta sa kanyang dating koponan sa 100-88 panalo nila kontra sa Phoenix Pulse sa idinaraos na 2019 PBA Philippine Cup kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“It’s up in the air right now. I don’t know. I don’t know if I will play but I just got some things to do here in the Philippines. Let’s see what’s next for me. I’m just here, working out, getting my body healthy and staying in shape for the call,” ani Balkman. “Whatever that call is, I’ll be ready.”
Magugunitang dati nang nagsilbing reinforcement si Balkman para sa SMB (dating Petron) noong 2013 Commissioner’s Cup.
Nagbalik siya noong nakaraang taon subalit nadiskaril ito nang matalo ang noon ay defending champion na Beermen sa sister team na Ginebra sa Commissioner’s Cup Finals, 2-4.
Kinapos ang 6’8 na si Balkman sa karera ng Best Import kontra sa nagwagi na si Justin Brownlee ng Ginebra na kanya namang matalik na kaibigan.
Matatandaang kagagaling lang din ng 34-anyos na si Balkman sa isa na namang kabiguan kasama ang dating kampeon na San Miguel – Alab Pilipinas sa 2019 ASEAN Basketball League.
Dating Defensive of the Player ng ABL, bigo sina Balkman at ang Alab na madepensahan ang titulo nito matapos ang 0-2 quarterfinal series loss kontra sa karibal na Hong Kong Eastern.
- Latest